Chapter Twenty Nine

11.8K 441 532
                                    

TRIGGER WARNING ⚠️

***

  

"Ma'am tama na po..."

Nagmamakaawang sigaw ng isang nurse habang inaawat siya.

"Don't ever hurt her!!!" Sigaw ni Vivi. "Ingatan niyong wag siyang masaktan!!!"

"Please..."

"Pakiusap tama na.."

Mga naririnig kong sigaw. Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas sa pagkakahawak sa mga braso niya.

Hindi man lang siya sumulyap sakin.

Then another prehistoric sound emerged from somewhere near her chest.

Nakakatakot, nakakahabag na ingay.

Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa dinaranas niya.

At patuloy ang pagsigaw niya, rising louder and louder, closer and closer, blocking out the sun, sucking out everything...

The love, the warmth, the music, the joy...the happiness...tearing at the brilliant light all around us, slashing against my body, ripping the smile from our faces, the breath from our lungs..

Lahat ay naglaho...nawala...

I tried not to flinch habang naririnig ang mga hinaing sa sigaw niya.

She was grimacing, her head tilted and sunk into her shoulders as she stared at me through contorted features..

Tiningnan niya ako na parang humihingi ng tulong ang mga mata niya..

Umiiyak, sumisigaw, nagmamakaawa...mga bagay na nagpapakirot sa dibdib ko...

She looked weary, grotesque, and vaguely angry.

Narealize ko yun nang mapahigpit ako sa pagkaka hawak sa kamay ni Aries, my knuckles had turned white.

Patuloy din ang pag-agos ng mga luha ko.

"Ma'am please...tama na po, di po namin kayo sasaktan!" There was a faint note of hysteria sa boses ng isang nurse na nag-aasist sa kanya.

"Please don't do this..." Nagmamakaawang sabi niya.

This couldn't be happening...

I'm not up to this.

Napalunok ako at napakagat sa likod ng pisnge ko, ayaw kong umiyak, ayaw kong kaawaan siya.

She was still staring at me. She seemed to be waiting for me to do something...

"Cece..." My voice, uncharacteristically tremulous, na nagdala ng katahimikan.

Nilapitan ko siya at lumuhod sa kanya habang nakaupo ito sa wheelchair, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito.

"Nurse iwan niyo muna kami dito, ako na ang bahala," May Awtoridad na sabi ni Vivi.

Lumabas na nga ang mga nurse sa kwarto niya.

"S-si Panda to..." Mahinang pagpapakilala ko. Then to my astonishment her features cleared, and her head straightened on her shoulders.

"Cece..." Puno ng pag-asang sambit ko sa pangalan niya.

Ilang sandaling nagsalita siya.

"Hi,"

Pero nakayuko lang siya sakin.

Wala nang sigla ang kulay ng mga mata niya.

"My face is all puffy. I cried a bit." Bulong niya.

"I-I don't care. M-maganda ka parin" Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero bigla nito inilayo sakin.

Fruitcake Sanctuary (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon