Eighth Shade ♫

40 10 2
                                    


Inabot rin kami ng ilang minuto na nakatayo sa pwesto namin. Magkatitigan lang at pareho kaming medyo nanlalaki ang maata pero mas malaki ang sakin. Halata naman. Singkit kasi sya. Bukod sa huni ng ilang kulisap, naririnig ko yung mga yapak nung mga tao pati na rin ang mga bulungan nila. 


Marami nang nagdadaan sa harap o kaya sa gilid namin pero nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon. Sa tingin ko nga pinagtitinginan na kami. Sino ba namang hindi mapapatingin sa mga kagaya namin na mukhang tanga na tulala lang na nakaharang sa daan.


Mas lalo kong ikinagulat ang pagtawa nung bansot. As in yung tawa talaga. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniihit na sya katatawa at mangiyak-ngiyak na rin. Ako naman, nakatayo at nakatulala pa rin habang nagtataka. Ano naman ngayong kaabnormalan ang naiisip nya?


"Para kang sira!" saka na naman sya tumawa ng tumawa. Tss. Sino kaya ang parang sira sa aming dalawa?


"Nauuna pa kasi ang tawa." Sabi ko na pinahalata na nabadtrip na. Seryoso kasi ako tapos sya naman parang biro lang sa kanya ang tanong ko. Tss.


"Pikon ka na nyan?" natatawa pa rin nyang tanong.


Tumingin ako sa kahabaan ng kalye namin. Sana hindi nagmukhang irap yung ginawa ko dahil kung nagmukha, para akong bakla non. Sumeryoso naman yung ekspresyon nya pero may bakas pa rin na nagpipigil sya ng tawa. Hay nako.


"Ano? Tatayo na lang ba tayo dito? Hindi ka na sasagot sa tanong ko?"


"Para kang bakla na nag-menopause." Sabi nya sain sabay irap saka naglakad na sa kahabaan ng street pauwi samin.


Teka, ano? Bakla? Menopause? Ako? Takteng babae na 'to! Bansot na- Ugh! Pasalamat sya at babae sya kung hindi pintulan ko na talaga, matagal na.


Sinundan ko yung bansot at ilang minuto rin kaming tahimik. Nakarating kami sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko yung gate saka ko sya tiningnan. Mataman lang syang nakatingin sakin. Para syang nag-oobserba pero pinilig ko na lang yung ulo ko. Naiisip ko rin kasi na sa iisang bubong lang kami titira, magkasama. Parang live in ang kaibahan lang, wala talaga kaming relasyon at kasama namin ang mama ko. Teka nga, si mama. Alam nya kaya ang tungkol dito? Siguro oo. Pero bakit hindi nya sinabi sakin kanina?


"Nakita mo na si Mam-"


"Nope! Teka nga, ano bang tinatayo-tayo mo dyan? Hindi mo ba ako ihahatid?"


"Eto na nga o, nakabukas na yung gate. Baka gusto mo pang ako pa maglakad para sayo para lang makapasok ka." Sarcastic kong sabi.


Nakatingin lang sya sakin. Blangko ang ekspresyon. Automatic naman akong napatingin sa kamay nya na may tinuro na kung ano. Binalik ko lang ang tingin ko sa kanya kasi hindi ko magets ang ibig nyang sabihin. Hindi ko pa rin mabasa ang ekspresyon nya.


"Magbibihis na muna ako. Mga one hour nasa inyo na ako. Makikikain ako." Huh? Mukhang hindi kami nagkakaintindihan. Magsasalita pa lang sana ako ng inunahan nya ako. "Dun ako nakatira." Napansin ko naman na hindi nya pa binababa ang kamay nya. Tiningnan ko ang tinuturo nya pero mga bahay ang nakikita ko.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon