Sixteenth Shade ♫

24 7 2
                                    

Sixteenth Shade ♫


Tiningnan ko si bansot at nakatingin lang rin sya sa lalaking kapapasok lang. Inobserbahan ko ang ginagawa nya at isa-isa nyang nilalapitan ang mga pasahero. May ibinigay syang papel saka sya nag-bow at may sinabi na hindi ko narinig dahil may kalayuan ang pwesto namin mula sa kanya. Ganoon din ang ginawa nya sa ibang pasahero.


Nang nasa tapat na namin sya ay may ibinigay syang papel samin. May nakasulat na Japanese characters na hindi ko naman mabasa, mabuti na lang at may English translation. Nakalagay ay 'Proof of Lateness'. Nag-bow sya sa tapat namin ni bansot.


"Gomen." Yan ang sinabi nya at umayos na ng tayo saka kami nginitian na parang nanghihingi ng pasensya.


Ngumiti rin si bansot sa kanya at ako naman, napangiti na lang dahil biruin mo yun, mahigit five minutes lang na nadelay pero ganito na ang ginagawa nila.


"Isa 'to sa mga gusto ko dito sa Japan. That paper," sabay turo nya sa papel na hawak ko. "Proof of Lateness slip na pwede mong ipakita sa boss mo, for example, para malaman nila na hindi mo kasalanan kung bakit ka na-late. This will save you from embarrassment. Because Japanese, we value time. Even if we're late in just a minute or two bago yung napag-usapang oras, it's a shame. Unlike Filipinos na may Filipino time." Proud nyang sabi.


Hindi ko sya masisisi na ikumpara ang mga Pilipino sa mga Japanese. Kahit naman ako ikinukumpara ko e. Malayo ang agwat nila sa mga Pilipino, malayong malayo. Simpleng bagay na nga lang katulad nito ay napapatunayan na ang 'manners' nila, paano pa kaya sa mga malalaking bagay?


Nginitian ko lang si bansot saka ako tumango. Ano pa bang masasabi ko? She nailed it, sabi nga nila. May naramdaman akong 'hiya' dahil isa akong Pilipino. Hindi ko naman maikaiila yung mga sinabi nya.


Tiningnan ko na lang ang kabuuan ng tren. Malinis at maayos. Yung mg pasahero karamihan samin ay nakaupo at yung iba naman ay nakatayo habang nakakapit sa pole. Yung iba nakasandal sa pinto. Kanya-kanya rin sila ng suot na damit at sapatos. Masasabi ko na napakalaki ng impluwensya sa kanila ng anime. Kitang-kita naman sa disenyo ng gamit nila. Meron ding grupo ng decora.


Tiningnan ko yung katabi ko, si bansot. Kami lang kasi ang nakaupo sa panlimahang upuan na 'to. Tahimik sya pero napalingon sya sakin. Nginitian nya ako ng malapad saka ibinalik ang tingin nya sa harapan nya, sa katapat na bintana. Ang ewan. Hindi ko maipaliwanag ng maayos kung anong nangyari sakin pero pakiramdam ko natigilan ako sa ngiti nyang yon. Natameme ako at hindi ko alam ang iisipin. Ipinilig ko yung ulo ko. Eto na naman ang ka-weirduhan na 'to. Tss.


Ilang minuto lang at huminto ang tren. Nakarating na ata sa isang station kaya naman nagsilabasan na ang iba at may iba ring nagsipasukan. Mas marami ang mga pumasok kaya naman may katabi na kami sa upuan ngayon. Magkadikit yung braso namin ngayon ni bansot. Takte, nararamdaman ko na ang lambot ng balat nya! Napalunok naman ako ng hindi sinasadya. Kinuha ko yung cell phone ko at isinalpak ang earphones sa tenga ko. Kung ano-ano kasing naiisip ko. Tss.


Pamaya-maya lang ay umandar na ang tren. Napatingin ako sa bintana sa tapat ko. May mga tao na pala sa tapat namin. Limang babae. Nagtama ang tingin namin nung isa. Nginitian nya ako. Maganda sya pero mas maganda si banso-

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon