Seventh Shade ♫

62 11 2
                                    



Pakiramdam ko nag slow motion ang paligid. Yung paglaki ng mata ni bansot, yung pagkagulat nya, yung pagsabi nya ng kung ano mang salita na hindi ko narinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, lahat ng yon nag slow motion. Kung bakit? Siguro na rin ay dahil sa kaba. Alam kong gulo to. Mang-aaway na naman. Makakakuha ng atensyon at ang malala, baka ma-detention pa sya. Nahigit ko ang hininga ko nang tumakbo na si bansot papunta sa babaeng nasa harap ko na ngayon ay hindi ko makita ang ekspresyon dahil nakatalikod sya sakin.


Napatayo ako ng bigla na lang dinamba ng yakap nung bansot si ate saka sumigaw ng "Nee-san!" Muntik na nga silang dalawa na matumba mabuti na lang at magaling mag-balance si ate. Magsasalita na sana ako ng tingnan ako ni bansot at nakakagulat lang dahil nakangiti sya na humarap sakin. Hindi yung pilit na ngiti. "Nakita mo na pala ang Corniest ko, nee-san." Sabay balik nya ng tingin sa tinatawag nyang nee-san.


Teka nga, Ano nga bang ibig sabihin non? Tumawa ng mahinhin yung tinawag nyang nee-san saka tumingin sakin.


"Hai. Gwapo nga sya gaya ng sinabi mo." Sabi nya saka ako tinanguan. Tumango rin ako pero hindi ko magawang ngumiti. Napatingin naman ako sa bansot na bigla na lang namula ang pisngi.


Sobrang pula na nya at nag-iwas ng tingin sakin. Halata ko naman na hindi sya mapakali. Napangisi na lang ako sa isip ko. Gwapo pala ah, kung makatawag sakin ng mukhang daga e nagagwapuhan naman pala sya sakin.


"A-ano, n-nee-san! Hinihintay ka na ni O-onii-chan. Kanina pa sya don. Ang sama na ng tingin nya sa mga dumadaan." Sabi nya na hindi talaga mapakali saka hindi pa rin sya makagtingin ng diretso sa kausap nya.


"Si Mareo-kun talaga!" Sabi nung babae saka bumuntong-hininga. " Sige, pupuntahan ko na sya baka maghamon na naman sya ng away." Tumingin ulit sya sakin saka ako nginitian. Tumayo sya at nagpaalam na samin at umalis saka nag-bow pa.


Naiwan naman kami ni bansot sa lamesa at hindi ko alam kung bakit kami nagtititigan ngayon. Para ngang kaming dalawa na lang dito sa cafeteria. At dahil gumagana ang utak ko ng maayos, naisipan kong asarin ang bansot sa harap ko. Ngumisi muna ako bago bumulong sa kanya.


"Mukhang daga pala ha? Lakas ng loob mong tawagin akong mukhang daga, nagagwapuhan ka naman pala sakin. Ano ka ngayon? Umamin ka na kasi na may gusto ka sakin. Wag mo ng i-deny." Habang hinihintay ko ang sagot nya nakangising aso lang ako. Bigla naman akong nagulat at literal na napa-step back at kala mong may karera sa loob ng dibdib ko nang bigla syang sumigaw.


"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Huminga sya ng malalim saka nakipagtitigan sakin gamit yung walang kupas na matalim nyang tingin. "ANONG SINASABI MO NA MAY GUSTO AKO SAYO? ANG KAPAL DIN NAMAN NG APOG MO!" Humingal naman sya saka nag-iwas ng tingin.


Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na pansin yung mga tao sa cafeteria na nakatitig lang sa amin ngayon at naghihintay ng susunod na mangyayari. Parang nawala yung dila ko sa bibig ko. Bigla na lang umurong at wala akong masabi. Napikon ko ata sya at wala na. Mukhang ito na ang katapusan ng pagpapanggap namin. Sinabi nya na. Wala syang gusto sa'kin. Sa harap pa ng maraming estudyante. Sa naisip ko na yon para bang bigla akong nalungkot na hindi ko maipaliwanag. Teka nga? Ano bang iniisip ko?

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon