Seventeenth Shade ♫
Bakit? Bakit napakaswerte ko? Ano bang nagawa ko para mabigyan ng pagkakataon na makita 'to?
Okay. Masyado ng madrama at corny ang iniisip ko. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko naman kasi akalain na makakakita ako ng ganito sa totoong buhay. Sa anime ko lang talaga ito napapanood at sa ibang pelikula. Dream come true talaga. Wala naman kasing ganito sa dinaanan namin ni Keitaro kanina. Puro green lang ang mga puno doon. Pero dito, ang ganda.
Karamihan sa mga puno ay kulay pink. At oo, cherry blossom. Nasa harap ko ang cherry blossom. Napakaganda ng paligid. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagkalaglag ng mga petals na kulay pink. Ang payapa sa pakiramdam kaya hindi ko naiwasan na hindi mapapikit para damhin ang paligid.
Pagdilat ko ay napalingon ako sa kanan ko kung nasaan si bansot na nakatingala lang sakin at nakatulala. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya nagyon. Problema na naman nito?
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko naman akalain na ang mukhang daga na tulad mo ay ganyan ang magiging reaskyon pag nakakita ng cherry blossom." Sabi nya sa akin saka ako tinawanan. Yang tawa na yan. Kahit ilang beses ko ng naririnig ay hindi pa rin nawawala ang pagka-amaze ko.
"Kanina ka pa bansot."
"Yahyah." Sabi nya lang saka patalon-talon at umikot pa na umalis sa tabi ko at nagsimulang umabante.
Tinahak nya ang kahabaan ng kalsada kung saan sa gilid ay maraming puno ng cherry at may mangilan-ngilan na petals na nalaglag sa semento. Habang sinusundan sya ay hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan si bansot.
Ngayon ko nasabi sa sarili ko na maganda nga talaga sya. Lalong lumabas ang kagandahan nya sa suot nya ngayon. Kulay puting dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba na pinatungaan ng itim na blazer na hanggang siko ang haba ng sleeve. Nakaitim na doll shoes na binagayan ng itim na sling bag nya at itim na wrist watch kung saan mas lalong pinapalutang ang kaputian nya.
Nang makasabay ko sya ay hindi ko napigilaan ang sarili ko na pagmasdan ang mukha nya. Inosente. Puro. Yan ang nakikita ko ngayon sa mukha nya. At kahit hindi sya ngumiti ay alam ko na masaya sya dahil na rin sa kakaibang ningning ng mata nya. Napangiti na lang ako. Ang swerte ko. Napakaswerte ko.
"Hoy bansot." Pagtawag ko sa kanya kaya nahinto sya at lumingoon sya sakin na nagtataka.
Tumabing sa mukha nya ang ilang hibla ng itim na itim at mahaba nyang buhok. Pero hindi pa rin nabawasan ang kagandahan nya.
"Anyare sayo?"
"Bagay sayo yang suot mo. Mas lalong lumutang ang kagandahan mo." Bigla ko na lang nasabi. Nakita ko naman na namula sya. Nang ma-realize ko ang sinabi ko ay agad ko ring binawi. "Joke lang. Ang ibig kong sabihin ay mas lalong lumutang ang kabansotan mo." Sabi ko na hindi makatingin sa kanya ng diretso.

BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Teen Fiction"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪