"Na naman!" Napakamot na lang ako ng ulo pagkabangon dahil sa isang panaginip. Panaginip na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na napapanaginipan. Kabisado ko na nga lahat ng detalye at mga linya sa panaginip kong yon.
Napatingin ako sa orasan at nagulat nang makita na alas syete na ng umaga. Mabilis akong tumakbo sa banyo para maligo. Hayy. Nasira na naman ata ang alarm clock ko at di na naman nag-alarm. Pagtapos, bumaba agad ako diretso sa kusina ng bahay namin. Kumuha ng sandwich saka humalik sa pisngi ni Mama.
"Yan lang kakainin mo?"
"Yeah. Di na naman nag-alarm. Sira na ata."
"Panong di masisira lagi mo na lang hinahagis sa tuwing mag-aalarm." Iiling-iling na sabi ni Mama. Napakamot na lang ako ng ulo dahil tama sya.
"Sige Ma. Gotta go."
"Ingat."
Tama si Mama. Kaya nasira yung alarm clock ko dahil lagi kong hinahagis. Pano naman kasi sa twing magki-kiss na kami ng babae sa panaginip ko laging eepal saka ako gigisingin. Sa tagal ko ba naman na napapanaginipan yung eksena na yun, hanggang ngayon nakaka zero points pa rin ako kay ate. Pati ba naman sa panaginip ang hina ko. Kaawa-awang nilalang.
Mabilis akong tumakbo papunta sa school. Fifteen minutes lang naman ang gugugulin ko kung sakaling lalakarin ko ang papunta ng eskwelahan e. At dahil mabilis naman akong tumakbo, kaya naman yun ng seven minutes.
Nakarating ako ng matiwasay sa university at nasa na harap ako ng gate. Hinawakan ko ang tuhod ko saka naghabol ng hininga. Tsk. Kulang na ko sa exercise kaya mabilis akong mapagod.
"I.D. mo?" tanong sakin ni manong guard nung nasa entrance na ko. Tiningnan ko sya ng masama. Sira ulo ata. Malabo pa ang mata. Nakasabit lang sa bulsa ng pol-Pusa! Nasaan na?!
"Manong mukang naiwan ko ata."
"Alis dyan. Marami pang nakapila." Lumingon ako sa likuran ko at tama nga si manong.
"Hindi po ba pwedeng palusutin mo muna ko manong? Ngayon ko lang naman naiwan e. Lagi ko kayang dala yun. Saka male-late na ko sa klase ko manong. Mag-seseven thirty na o! Masungit pa naman ang prof namin ngayon. Matandang dalaga e!"
"Tigilan mo kong bata ka. Lagi na lang ganyan ang mga palusot nyo. Hindi nyo kami mauuto kaya umalis ka na." pagtataboy sakin ng walang awang security gurad.
"Manong papasukin mo na ko! Pano ng future ko nito ku-"
"Lumihis ka na nga dyan." Takteng manong guard. Makapagpaalis naman.
Nakarinig ako ng mga impit na tawa sa may likuran ko. Tss. Mga babaeng estudyante. Kung di ko pa alam, nagpapa-cute lang naman sakin tong mga to. Lumihis na ko baka kung ano pang magawa ko kay manong. May PMS ata at napaka-sungit. Parang isang beses lang naman akong naka-iwan ng I.D. ayaw na kong papasukin. Walang awa.
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Fiksi Remaja"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪