Twelfth Shade ♫

32 8 1
                                    


Twelfth Shade ♫


Pamaya-maya ay pumasok na kami ni bansot. Nang makarating kami sa kwarto na pinanggalingan namin ay wala na sila. Sinabi naman sa amin ng maid nila na nasa kusina sila at saktong pinapatawag kami para kumain na ng hapunan. Maaga raw dapat ang gising namin bukas lalo na sila bansot at yung girl friend ni Mareo dahil aayusan pa sila. Napag alaman ko rin na isa rin sya sa mga manika at ang magdadala ng payong ay si Mareo.


Hindi naman na ganoon ka-awkward dahil warm ang pagkausap nila sa akin at ramdam ko rin na welcome ako sa bahay nila. Mabuti nga at hindi na nila masyadong pinagtutuunan ng pansin ang relasyon namin ni bansot. Katunayan nga at inaasar nila si Keitaro dahil wala pa itong girl friend. Naunahan pa raw ni bansot.


Ang astig nga ng mga magulang ni bansot dahil sila pa ang nauuna na makipag-asaran. Aakalain mo nga na kaedaran namin sila sa ugali nila.


Napatingin sa akin si Mrs. Yuki at inilipat ang tingin kay bansot. Napalunok naman ako dahil hindi ko gusto ang mga tinginang yon. Idagdag pa ang nakakalokong ngiti nya. Masama ang kutob ko rito.


"Well, kamusta naman kayo, Corniest ni Rai?" makahulugang tanong ni Mrs. Yuki sa akin. Natataranta na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Baka mabuko kami. Lagot ako nito kay bansot.


"Okay lang kami okasan. Going strong." Mahinhin na sabi ni bansot saka ipinagpatuloy ang pagsubo. Tiningnan nya ako saka ako nginitian.


Mabuti na lang! Mabuti na lang talaga at nandyan sya para back up-an ako.


Iba ngayon si bansot. Tahimik sya. Hindi malakas ang boses nya at hindi sya ganoon kasigla at sadista kapag kasama ko sya sa Pilipiunas. Ito na ba yung sinasabi nya na ibang tao na sya? Yung pilit syang binabago? Yung dahilan ng pagsusugat nya sa pulso nya?


"Mabuti naman kung ganoon. Mabait naman ba sya sayo?" Bigla akong nasamid sa tanong ni Mrs. Yuki. Nasa akin tuloy ang atensyon nilang lahat. Bakit kasi sa dami ng pwedeng itanong, yun pa ang napiling itanong?


Mabait nga ba sakin si bansot? Teka, mabait nga ba sya sakin? Ayaw gumana ng utak ko. Naputol ng pag-iisip ko kung mabait nga ba sakin si bansot noong magsalita bigla ng alien language si Mr. Yuki.


"Daijobudesuka?" Daijo-ano? Pero parang pamilyar. Alam ko 'to e. Madalas ko na marinig sa anime to.


"Hai." Sagot ko.


Natawa naman si Mr. Yuki. Nahiya tuloy ako. Sablay pa ata ang pagkaka-deliver ko sa salitang nihonggo na yon.


"Marunong ka palang umintindi ng Japanese. Hindi mo sinabi." Natatawa pa ring sabi ni Mr. Yuki. Mabuti na lang at tama pala ang pagkakaalala ko sa ibig sabihin nung daijobu na yun. Nginitian ko si Mr. Yuki.


"Hindi naman po. Nagkataon lang na naalala ko po yung ibig sabihin ng salita na yon." Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako nautal.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon