Second Shade ♫

143 14 13
                                    

Kagagaling ko lang sa first floor kung saan naroon ang lost ang found section ng department namin. Tss. Alangan namang itago ko pa yung sapatos nung babae na yon. Mahirap na baka mangamoy pa yung bag ko dahil don. De joke, hindi naman mabaho ang paa ni ate.


Hindi na pala ako nakaabot sa grace period ng matandang dalaga naming professor kaya naman eto ako ngayon sa school grounds at paggala-gala. Takte kasing babae na yan. Sya may kasalanan nito e! Napilitan din ako na magpunta sa clinic. Bwisit kasing babae, muntik ng madeform ang ilong ko.


Didiretso na sana ako sa cafeteria nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Pamilyar yung boses kaya napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na yon at bago ko pa masigurado kung sa kanya nga yon, nakita ko na lang ang sarili ko na nakabulagta na sa hall way. Tang ina! Pinagtitinginan tuloy ako!


"Ano bang problema mo?!" paasik kong tanong sa kanya pagtapos kong tumayo saka ko pinunasan yung dugo mula sa labi ko.


Tang ina talaga! Kanina yung ilong! Ngayon naman yung labi ko! Ano pa bang susunod?!


"Gago! Nagtanong ka pa! Dalawang likod pala ha?" Sisipain na naman nya ko. Umilag na lang ako. Bwisit na buhay yan! Ang malas! Nagsisi tuloy ako kung bakit nagpaggala-gala pa ako.


"Gago ka talaga! Nang dahil sayo na-late ako at hindi ako pinapasok kaya na-absent ako!" sigaw nya habang sinusuntok ako. Ako naman ilag lang ng ilag. Kahit naman ganito ako hindi ako lumalaban sa babae lalo pa at dehado talaga sya sakin. Ang bansot kaya. Hanggang dibdib ko lang. Patawa! Hahahaha. "Anong nginingisi-ngisi mo dyan?!" mas lalo pang lumakas ang boses nyang sabi.


Mas lalo din syang bumilis gumalaw at dahil ng nabigla ako, nasipa nya ang balikat ko. Tinamaan ka nga naman talaga ng magaling! Muntik na kong ma-out of balance dahil sa lakas ng babae na 'to. Biruin mo yun, mas mataas pa yung sipa nya kesa sa height nya. Hindi man lang sya maghunus dili sa kakataas ng paa nya para manipa e ang iksi ng palda nya. Kitang skirt ang uniform ng mga babae. Pinagpipyestahan tuloy yung legs nya ng mga manyak na nanunuod sa amin. Mga nanunuod lang na hindi man lang awatin si ate. Hello! Akong kabaro nyo binubugbog ng amazona!


"Pwede ba tumigil ka na?! Kanina ka pa ah!" sigaw ko rin. Bwisit talaga! Tumigil naman sya ng naka-ready ang kamao nya na ano mang oras e pwedeng manuntok. Umayos ako ng tayo at pinagpag yung polo ko.


"Kung hinahanap mo yung sapatos mo, andoon sa lost and found. Tatanga-tanga kasi at pati ba naman sapatos naii-" Hindi pa man ako tapos magsalita e nakalapit na sya sakin at kung hindi lang mabilis ang reflexes ko malamang may black eye na 'ko.


"Ako pa ang tatanga-tanga? E sino kaya itong hindi alam ang pinagkaiba ng likod sa boobs?!" nakasigaw na naman sya. Bwiset. Eskandalosa masyado.


"Kasalanan ko bang mapagkamalan na likod yang ano mo e wala naman akong nakapa?"


At dahil sa nasira ang preno ng bibig ko, nasabi ko pati na yoon dahilan para magalit sya lalo at sugurin na naman ako. Nakarinig ako ng hagikhikan mula sa mga audience namin. Dumagdag pa yung mga lalaki na panay pang-aasar.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon