Fifteenth Shade ♫
"Anong mukha yan? Para kang nalugi. Lalo ka tuloy nagmumukhang daga." Sabi nya saka ako inirapan. Pumasok sya ng tuluyan sa kwarto at naupo sa unan sa tapat ng bansot na lamesa-bansot na gaya nya.
"Bakit nandito ka? Tumakas ka 'no?" tanong ko sa kanya.
Bad trip talaga! Akala ko pa naman sya na ang magliligtas sa nagaganap sa utak ko yun pala hindi rin. Pinapalala nya lang. Pati puso ko nakukuha nyang pabilisin ang tibok. Nahihirapan na nga akong huminga. Bakit ba kasi sya nandito? Tss. Kunwari pang ayoko e gusto ko naman na nandito sya. Nababaliw na ata ako.
"Corny mo. Bakit, forever na ba kaming maglalakad don? Wala na bang katapusan yung parade na yun? Yang utak mo hindi mo ginagamit no? Gamit-gamit din pag may time baka mamaya madagdagan yang kalawang nyan." Sarkastiko nyang sabi.
Anong hindi ginagamit? E sya nga lang laman nito simula pa kanina. Parang yung utak ko may sariling utak kaya sya na lang ng sya ang iniisip. Gana ng gana kahit na ayoko sana. Tss.
"Tapos na pala. Bakit ka nandito?" tanong ko at hindi na pinansin ang paggiging sarkastiko nya.
"Gusto ko e. Ayaw mo ba? Choosy ka pa e wala ka namang choice." Sabi nya sabay irap tapos ngumisi. Lumalabas na naman ang namana nito kay Keitaro. Ang paggiging weirdo.
"Hindi ka ba naiinitan dyan sa suot mo?" Pag-iiba ko ng topic. Napansin ko kasi na nakasuot sya ng kimono ngayon pero wala na ang make up sa mukha nya. Walang bakas ng kahit na ano at natural na natural ang mukha nya.
"Heh. Magpapalit na ako. Give me thirty minutes. Magbihis ka na rin. Gagala tayo tutal bukas na rin ang uwi natin." Sabi nya saka ako nginitian.
Tumayo na sya saka nagpunta sa pintuan. Kinwayan pa ako saka tumakbo. Kala mo naman napakalayo ng kwarto nya para tumakbo e katapat lang naman. Saka kung makatakbo sya parang hindi sya nakasuot ng kimono. Paano na lang pag nadapa sya dahil don? Hindi talaga nag-iisip ang bansot na yun.
Binuksan ko ang maleta ko at naghalungkat ng pwede kong isuot sa date namin ni bansot. Date. Okay na yun. Parang date rin naman kasi dahil kaming dalawa lang naman ang magkasama na aalis. O baka naman sasama si Ketaro sa amin. Teka nga, may kung ano sa loob ko na umaasa na wag, na hindi na sasama si Keitrao sa date na 'to. Gusto ko kami lang dalawa ni bansot. Ipinilig ko yung ulo ko. Takte naman. Eto na naman ako sa pag-iisip ng kung ano-ano. Nababaliw na nga ata ako. Nababaliw na kay bansot.
Nang makakuha na ako ng damit ko ay nagbihis na ako. Hindi na ako lumabas at nagpunta ng CR. Baka makita na naman ako nung babae kanina at maglaway pa sakin yun. Nandito pa naman si bansot baka awayin lang dahil sa selos. Tss. Eto na naman ang kayabangan ko. Umaariba na naman.
Pamaya-maya lang ay narinig kong nagbukas na ang pinto ng katapat kong kwarto kaya naman minabuti ko ng lumabas sa kwartong 'to para salubungin si bansot. Mamaya mag-ingay na naman yun dahil sasabihin na mabagal ako. Tss.
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Novela Juvenil"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪