Fourteenth Shade ♫

29 9 4
                                    



Maaga akong nagising kinabukasan. Nang tingnan ko ang cell phone ko ay alas singko pa lang ng umaga. Dahil sa hindi na ako inaantok kahit na puyat ay minabuti ko ng bumangon. Inayos ko ang comforter na hinigaan ko saka humarap sa salamin. Tiningnan ko kung may morning glory ako o kaya naman tulo laway, na mabuti na lang at wala, saka ko inayos ang buhok ko. Lumabas ako ng kwarto para makapaghilamos at makaligo na rin dahil walang sariling banyo ang kwarto na tinulugan ko.


Naglakad ako sa hall way na sobrang tahimik. Dumiretso ako sa kusina nila para kumuha ng tubig. Kahit na malaki ang bahay ng pamilyang Yuki ay natatandaan ko pa naman ang daan papunta sa dining area nila at katabi nito ang dirty kitchen.


Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko ang isang maid nila na nililinis ang lababo. Naramdaman nya siguro na may tao kaya naman napalingon sya sa direksyon ko. Hindi sya yung maid na nakita ko kahapon. Bata lang rin sya. Siguro kaedaran lang namin ni bansot 'to. Nginitian nya ako, kaya nginitian ko rin sya. Nakita ko pa nga na medyo nanlaki ang mata nya saka mabilis nag-iwas ng tingin. Problema nito?


"Ohayou gozaimasu!" sabi nya saka humarap sakin ulit at ngumiti ng malapad saka bahagyang nag-bow.


"Ohayou." Ganting bati ko naman at tinanguan sya.


Nagpunta na ako sa tapat ng ref saka ko binuksan. Kumuha ng pitsel pero naalala ko na wala palang baso kaya nagpunta ako malapit sa lababo kung saan nandoon ang mga baso. Napansin ko naman na hindi mapakali itong babae. Naiilang ba sakin dahil gwapo ako? Tsk. Alam ko naman yon.


"Y-you, looking for R-Rai-san?" Nagulat naman ako ng bigla syang magsalita at nag-ingles pa.


"Y-yeah. You can speak English, huh?" Takte, napilitan tuloy ako mag-english.


"Just a l-little." Sabi nya sabay ngiti sa'kin pero hindi pa rin sya tumitingin sa pagmumukha ko at patuloy lang sa ginagawa nya. "She's on the shrine." Oo nga pala, ngayon na ang araw ng festival nila.


"Arigatou." Sabi ko saka uminom na. Natigil naman ako ng may maalala ako. "Where can I take a bath?" Humarap sya sa may bandang pinto na pinasukan ko.


"Left side and then turn right then right again." Sabi naman nya.


"Thank you." Sagot ko saka ko sya nginitian.


Lumabas na ako ng kusina saka nagpunta sa tinuro nya. Nakalimutan ko palang itanong ang pangalan nya. Tsk. Nang liliko na lang ako sa kanan ay nakasalubong ko si Keitaro na halatang kagigising pa lang.


"Ohayou." Bati nya sakin habang nagkakamot pa ng ulo.


"Ohayou." Ganting bati ko.


"Pasensya na kung pinapunta ka namin dito kahit na hindi naman talaga ikaw ang maghahawak ng payong para kay Rai-chan."

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon