Forty Fifth Shade ♫
Anong nangyari sa nakalipas na mga araw at parang ang laki ng pinagbago?
Magkatabi ngayon si Iris at Chrys pati na rin si Tanya at Arniel. Parang dati lang kaming tatlong lalaki at may sariling mundo yung mga babae. Tapos ngayon ganito na? Kamusta naman kami ni bansot, ni Maki at Div? Tss.
"What's the meaning of this?" Hindi ko napigilang tanong matapos kong umupo sa third row, sa likod nila.
"Napa-english na si Espren." Natatawang sabi ni Arniel. At nagtawanan sila. Nice. Nagtatanong ako pero ganito lang ang sagot. Nagsitawa pa. Tss.
"Ewan ko nga ba dito sa mga 'to. Ni wala man lang pasabi tapos gugulatin kami pagpunta dito." Balewalang sabi ni Maki habang kumakain ng chips.
"That's right. Pagkakita namin sa kanila nagulat na lang kami naglalampungan na—" Pabirong sabi ni Div kaya naman may lumipad na unan sakto sa mukha nya.
"Magkahawak kamay lang naglalampungan agad?" Pabirong sabi ni Tanya matapos ihagis ang unan.
"Di pa kayo nasanay dyan. Bitter kasi masyado." Sabi naman ni Maki habang patuloy pa rin sa pagkain.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin si Seth? Gwapo naman yon, mabait pa. Ang ganda pa ng boses. Kahit na hindi nabuo ang banda nila kasama tong mage-espren nato at Rai e plano nya pa rin ipagpatuloy ang pagiging rakista. Ang astig kaya non." Tama. Hindi na itinuloy ang pagbuo ng banda dahil tinamad na kaming tatlo saka ayaw din naman sumali ni bansot. Wala e, ibang klase kaming tamarin. Magaling naman sila Seth kaya alam kong hindi sila mahihirapan kumuha ng mga myembro. "Ano pa bang gusto mo?" Tanong ni Chrys habang nakaakbay si Iris sa kanya.
"Ilang araw pa lang nanliligaw, sasagutin na agad? Grabe kayo." Umirap si Div saka binato ng unan sa mukha si Chrys pero nasangga naman ni Iris.
"Nice one. Dalagang Pilipina." Natatawang sabi ni Arniel.
So, hindi na nya gusto si Rai? Base sa nakikita ko ay may relasyon na sila ni Tanya dahil sa magkahawak nilang kamay.
"Kayo lang naman ang hindi e." Pasaring ni Div sa dalawang kaibigan nyang babae.
"Bakit pa kasi patatagalin kung mahal naman namin ang isa't-isa? Naging kami dahil pareho kami ng nararamdaman." Napatingin kaming lahat kay Iris. "Mas pinahalagahan lang namin ang oras."
"Yup." Sang-ayon ni Chrys. "You'll never know what will happen next."
Natahimik naman si Div saka tumingin kay Maki na abala pa rin sa pagkain.
"Pero dapat pinahirapan mo si Iris." Lihim akong napangisi. Bumoses na si bansot.
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Teen Fiction"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪