Thirtieth Shade ♫

20 6 3
                                    

Thirtieth Shade ♫


"Sigurado na ba kayo sa plano nyo?" Tanong sa amin ni mama habang inaabot sa akin ang mga papeles na ipinagawa namin sa kanya kahapon.


"Yes. Kesa naman sa manatili at mabulok lang sya rito sa bahay." Sabi ko kay mama.


Pinagmasdan ko ang papel na hawak ko. Ang galing talaga. Magaling na hacker ang mama ko kaya naman na-hack nya ang website ng school ng walang aberya kahit pa marami ring IT professionals na humahawak nito.


Inirehistro nya ang pangalan ni Hoshi sa files ng eskwelahan. Officially enrolled na sya pero hindi pa sya nakakapagbayad ng tuition. Nakonsensya kasi si mama kaya hindi nya na pineke ang tungkol sa tuition fee kaya magbabayad pa rin ang kapatid ko.


"Let's proceed to the plan." Sabi ni Hoshi at ibinigay ko sa kanya ang schedule nya.


Naka-disguise na sya ngayon. Pero hindi sya mukhang nerd. Naisip kasi namin na masyado ng nagagamit ang disguise na yon kaya mas paghihinalaan sila kaya naman pinagmukha ko lang syang average student. Isang tipikal na estudyante.


Naka-contact lens na brown at tinakpan ang itim na itim nyang mata. Naka-wig din sya na hanggang bewang ang haba, maiksi ng kaunti sa totoong buhok nya. Naglagay rin sya ng pekeng nunal sa gilid ng kanang mata nya at nagmake-up sya ng makapal gaya ng karamihan sa mga babae sa eskwelahan.


Iba nga ang itsura ngayon, kung hindi ko pa alam na sya to ay hindi ko sya makikilala.


"Mauuna akong lumabas ng bahay. Limang minuto matapos kong umalis ay doon ka sa likod dumaan, sa kabilang street. Iwasan mong may makahalata sayo at alam mo naman na ang posisyon ng mga CCTV kaya iwasan mong mahagip ka." Mahaba kong sabi sa kanya.


"Copy." Nakangiti nyang sagot.


"Alis na ako ma." Sabi ko saka ko hinalikan ang pisngi nya. Tinanguan ko naman si Hoshi.


Ano sya, sinuswerte? Hindi ko gagawin ang gesture na yon sa kanya... Sa ngayon. Sisiguraduhin ko muna na kapatid ko sya bago ako magpaka-sweet sa kanya. Mahirap magpakasigurado lalo pa at naguguluhan pa ako.


Lumabas ako ng bahay namin at nang makatapak na ako sa boundary ng Pink at White Rose street at natigilan ako sa paglalakad. Ganoon din ang ginawa ng babaeng nakatingala sa akin ngayon. Ilang metro ang layo namin sa isa't-isa pero nakikita ko pa rin ang panlalaki ng mga mata nya pero hindi rin yon nagtagal. Ako ang unang nag-iwas sa kanya ng tingin at naunang maglakad. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko naramdaman ang panibagong pares ng paa na kasabay na nag-iingay ng mga paa ko.


Lalo syang gumanda matapos ang ilang buwan pero naka-move on na ako. Wala na akong ibang nararamdaman. Parang normal lang ang lahat at wala kaming pinagsamahan. Ganoon naman ang gusto nya. Yoon ang sinabi nya kaya dapat lang na sundin dahil magmumukha lang akong tanga kung ipagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kanya.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon