Twenty Seventh Shade ♫

17 5 0
                                    

Twenty Seventh Shade ♫


Nagsimula na syang maglakad sa unahan habang sinusundan lang namin sya ng tingin. Nawala ang ingay ng mga kaklase ko. Napakatahimik na sa loob ng classroom at tanging tunog lang ang air conditioner at sapatos nya ang maririnig. Nang makaharap sya sa amin ay sinabihan na sya ng professor namin na magpakilala na.


"I am Rai Yuki, seventeen year old." Malinaw nyang sabi pero walang emosyon ang mababakas sa mukha nya. Diretso lang syang nakatingin sa harap nya.


"She is kawaii." Narinig kong bulong ni Iris.


"Absolutely." Pabulong din na sagot ni Chrys.


Kaklase ko pala si Rai? Ngayon naintindihan ko na ang tinanong ni Chrys kanina.


Napangisi na lang ako sa isip ko. Tagumpay ako. Nagawa ko. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko ngayong nakikita ko sya. Wala na akong nararamdamang bigat at lungkot ngayon.


May mga nagtaas ng kamay senyales na gusto nilang magtanong. Tumango naman si Rai kaya may tumayong isa.


"Japanese ka po ba?"


Hindi ba halata? Ang engot naman ng lalaking 'to. Halata namang nagpapa-cute lang kay Rai.


"Yes." Sagot nya saka ngumiti.


Naupo naman yung istupidong yon pero may tumayong isang babae.


"Close ba kayo ng mga kapatid mo?"


Mukhang alam ko na kung saan pupunta 'to.


"Yes."


Naupo naman yung babaeng yon at dahil nasa kabilang side sya ay nakita ko kung paano sya ngumisi. Tss. Masyadong halata. Napaka-predictable ng galaw nya.


"May boy friend ka na ba?" tanong ng isang lalaki.


"None." Kaswal nyang sagot.


"Pwede bang mag-apply?" Nakangisi nitong tanong. Gwapong-gwapo sa sarili. Tss.


"No." Bahagyang nagtawanan ang mga kaklase namin na ikinakunot naman ang noo nung lalaking nagtanong.


"Bakit ba one word lang ang mga sagot mo?" Halatang naiinis sya dahil sa pagkapahiya nya.


"Idiot." Sabi ni Rai pero hindi nya isinatinig. Nabasa ko lang ang pagbuka ng bibig nya. "Your question can be answered by a single word." Malamig nyang sagot.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon