Thirty Seventh Shade ♫
Nakita ko syang nakatayo sa gitna ng kalsada. Nakasuot sya ng kulay pink na pantulog at bahagyang magulo ang buhok nya. Kahit na hindi pa ganoon kaliwanag ay kitang-kita ko ang mukha nya. Walang emosyon ang mga mata nya.
Ano ang ginagawa nya sa tapat ng bahay namin ng ganitong oras? Isa pa, kanina pa ba sya dyan? Bakit nakatingin sya sa bintana ng guest room-ng kwarto ni Hoshi?
Ipinilig ni Rai ang ulo nya saka tumalikod. Nagsimula na nyang tahakin ang daan patungo sa boundary. Anong ibig sabihin nito? May alam ba sya sa nangyari sa kapatid ko? Sya ba ang may gawa nito?
May parte sa akin na ayoko na maging sya. Sino ba namang gugustuhin na malaman na ang taong minamahal nya ang may kagagawan kung bakit naghihirap ang kapatid nya? Tss. Imposible-possible na sya ang may gawa nito kay Hoshi pero maliit lang ang posibilidad.
Tss. Sinong niloko ko? Malaki ang posibilidad na sya ang may gawa nito pero baka naman napadaan lang sya at nagkataon lang na maga-alas sais pa lang ng umaga na napunta sya sa tapat ng bahay namin ng nakapantulog lang. Saka baka nagkataon lang na nakatingin sya sa guest room ng bahay namin.
Ugh! Bwiset! Ayokong isipin pero wala na akong ibang makitang pwedeng dahilan nito! Tang ina!
Si Hoshi lang ang makakasagot ng katanungan ko. Siguro naman ay nakilala o nakita nya ang may gawa nito sa kanya. Kung hindi makapagbigay ng pangalan si Hoshi ay maaaring hindi si Rai, kung sakali mang nakita nya ang mukha ng may gawa nito sa kanya, dahil kilala nya naman si Rai. Kung makapagbigay man sya at hindi si Rai yon ay mas maganda pero kung ito nga, kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko sa posibilidad na si Rai nga ang may sala. Pero kung sya ang may kagagawan, ano ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong maramdaman? Ano ang susunod na hakbang?
"Why so serious, Chiyo?" Mabilis akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Hoshi. Nilapitan ko sya agad para tulungang maupo mula sa pagkakahiga.
"Bakit ka pa bumangon?" Tanong ko at inaalalayan sya para makasandal sa headboard.
"Nakakangawit e." sabi nya at kumuha ng baso sa bedside table pero inagaw ko lang sa kanya. Magpoprotesta pa sana sya nang salinan ko na ito ng tubig saka iniabot sa kanya.
"Don't push yourself." Sabi ko habang pinagmamasdan syang uminom. Nang matapos sya ay nginitian nya ako ng tipid.
"Too late." Lumingon sya sa gawi ng bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. "Why are you here? Diba you have classes?"
"Masama bang um-absent?" tanong ko imbes na sagutin ang tanong nya.
"I didn't say that. I am just asking you." Namayani ang katahimikan sa loob ng silid nya ng ilang minuto.
"Can you tell me what happened earlier?" Nakangiti lang sya habang hindi pa rin binabalik ang tingin nya sakin.
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Teen Fiction"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪