Forty Fourth Shade ♫

17 4 0
                                    

Forty Fourth Shade ♫


Hindi maalis ang ngisi ko kahit na papasok na ako ng bahay. Ang corny ko talaga pagdating sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil napakakomportable ko kapag sya ang kasama ko.


"You look like an idiot." Nakita ko na lang si Hoshi na nasa gitna ng hagdan at nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. "What's with the smile?"


"You don't have to know." Balewala kong sagot habang nilalagpasan sya para magtungo sa kwarto ko.


"Yeah. Because I already know."


"Then you're the idiot. Asking something when you already know it."


Tumawa sya bago nagsalita. "You got me there big bro." Bumaba na sya at nagtungo sa sala. "I already know who is the girl." Nakuha nya ang atensyon ko kaya napatigil ako sa pag-akyat at nilingon sya. "Ichiya Tokisaki, still a page yet a great assassin."


"She's the one who is after you." Bulong ko. "Dapat talaga pinalitan natin ang pangalan mo. Kung assassin sya, ibig sabihin ay napakadelikado nya." Tiningnan ko sya ng mataman.


"It's okay. Knowing the Smaragd Empire, hindi ako habang buhay na makakapagtago sa kanila. Ayoko silang gaanong pahirapan besides I'm not planning to stay here long. Tanga na lang nila kung hindi pa nila ako mahanap within this month. Huwag kang mag-alala Yuzuku, aalis ako rito bago pa man nila malaman na nandito ako."


"Alam na ba ito ni mama?" Pag-iiba ko ng topic. Naiirita ako kay Hoshi. Hindi ko malaman ang tumatakbo sa utak nya. Delikado ang lagay nya pero parang wala syang pakialam sa kung anong pwedeng mangyari.


"Yes."


"At bakit ngayon mo lang sa akin sinabi ang tungkol dito?" Edi sana nakapaghanda ako ng mas maaga.


"Masyado kang abala sa ka-corny-han nyo ni Rai kaya hindi na kita inistorbo. Alam ko naman na matagal mo ng inaasam na magkasama ulit kayo." Kumunot ang noo ko sa nakapaskil na ngiti sa mukha nya ngayon. Parang may hindi tama.


"Leave her alone, Hoshi." Malamig kong sabi at hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagdiretso nya ng tayo. "Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka oras na malaman ko na may nangyaring masama sa kanya."


Takte! I'm threatening my little sister! Saan galing ang mga salitang yon?


"Chill, big bro." Iniipit nya ang ilang hibla ng buhok sa kanang tenga nya. "Hands off na ako kay Rai. She's too difficult to read. It's too difficult to predict her next actions." Napangisi ako ng palihim. So, ganoon ang tingin nya kay bansot? Sabagay, hindi nya naman kasi madalas makasama at makita ang babaeng yon. "Hindi ko sasayangin ang oras ko sa kanya kung maraming pwedeng paglaruan."

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon