Eleventh Shade ♫

34 8 2
                                    



Nang makarating kami sa airport sa Japan ay sinundo na kami ng van nila bansot papunta sa bahay nila. Sa West Shinjuku sa Tokyo ata ang destinasyon namin. Ewan ko na. Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung sinabi ni Keitaro dahil napagod ako sa byahe. Ilang oras din kasi yon.


Nang makarating kami sa bahay nila ay nagulat pa rin ako kahit na inaasahan ko na na malaki ang bahay nila. Maluwag ang bakuran at lalo naman ang bahay mismo. Kung madaming halaman sa bahay nila sa Pilipinas, mas marami dito at sari-sari pa na halatang maayos ang pag-aalaga. At yung garahe nila, makalaglag panga. Sobrang lawak at ang daming sasakyan. Karamihan ay sports car. 


Napalunok naman ako. Ngayon, pakiramdam ko nanliliit ako. Sobrang yaman nila bansot, nakaka-insecure. Bigla ko tuloy naisip na sana hindi na lang ako sumama dito. Naiinggit lang tuloy ako at sobrang bumaba ang tingin ko sa sarili ko.


Naunang bumaba ng van si Keitaro kasunod na sila Mareo at ang girl friend nya. Bago naman kami bumaba ni bansot ay binulungan nya ako.


"Huwag kang kabahan. Ipapakilala lang naman kita kay Otosan." Sabi nya saka ako nginisihan at nauna ng bumaba. Napalunok tuloy ako ng hindi sinasadya.


Kinakabahan ako. Habang nilalakad namin ang daan patungo sa loob, sa receiving area nila, ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Ilang ulit na rin akong napapalunok. Kahit na kinakausap ako nila Keitaro at Mareo ay hindi pa rin bumabagal ang tibok ng puso ko. Kahit ilang beses nila akong paalalahanan na huwag akong kabahan lalo lang akong kinakabahan.


Pagpasok namin ay hinubad namin ang mga suot naming sapatos. Nilakad namin ang hall way at huminto kami sa tapat ng isang double door. Binuksan yon ng driver kanina ng van. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko na mapanganga. Kasing laki na ng bahay namin ang receiving room na 'to at mas lalong pang nagpalaking tingnan dahil ang tanging laman lang ay mga couch, lamesa at isang malaking flat screen TV. Simple lang pero elegante ang datingan.


Napayuko naman ako nang maramdaman ko na tinitingnan na kami. Yung mga nakaupo sa couch ay malamang ang tatay at nanay ni bansot at isang maid na nakatayo at bumati sa amin. Nagsilapitan naman sila. Naiwan kami ni bansot sa may pinto dahil umalis na ang driver pagkabukas ng pinto.


Napalingon nman ako kay bansot dahil nagtataka ako kung bakit hindi pa sya lumalapit. Nakapamulsa lang sya sa skirt na suot nya at nakatingin sa kabilang direksyon. Hindi ko tuloy makita ang ekspresyon ng mukha nya. Napatingala naman sya sakin, siguro ng maramdaman nya na tinitingnan ko sya, at biglang nanlaki ang mata, nag-iwas ng tingin, umayos ng tayo at inalis ang kamay nya sa bulsa nya. Nabaliw na naman ata. Nagsisimula na naman maging weird.


Hinawakan nya ang laylayan ng polo ko at nagsimula na syang maglakad papunta sa kinaroroonan nila Keitaro. Napatingin sila sa amin kaya naman napalunok na naman ako. Pakiramdam ko napunta yung puso ko sa lalamunan ko Takte, hindi ko naman akalain na ganito pala ang pakiramdam ng ipapakilala ka ng girl friend mo sa magulang nya. Kahit na hindi ko sya tunay na girl friend, kinakabahan ako ng sobra lalo pa at alam ko na sikat ang clan nila sa buong Japan.


Nag-usap lang sila at mukhang nagkakamustahan. Hindi ko naman masigurado dahil hindi ako nakakakaintindi ng nihonggo. Napaayos na lang ako ng tayo ng sabihin ni bansot ang pangalan ko at nakita ko na mataman na nakatingin sa akin ang tatay nya at nakangiti ang nanay nya. Napa-bow ako at tinanguan nila ako bilang tugon. Yung tatlo naman ay nakatingin rin sa akin pati na yung maid. Nakaka-conscious tuloy.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon