Forty Second Shade ♫
Nang makabalik na sya mula sa rest room ay walang mababakas na emosyon sa mukha nya. Hindi na sya namumula at nakatutok lang sya sa pagkain. Balik emotionless na naman sya. Parang kanina lang ang sarap nyang kurutin sa pisngi dahil sa ka-cute-an nya pero ngayon ang stiff nya na. Eto na yung Rai na kilala ng nakararami.
Matapos kaming kumain ay niyaya ko na sya sa labas at bumalik kami sa sky garden. Ngayon lang ako may lakas ng loob na sabihin at tanungin sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa utak ko. Sana naman wala ng humadlang.
"Rai." Panimula ko pagkahinto namin saka sumandal sa banister at kitang-kita namin mula dito ang maaliwalas na langit na puno ng mga bituin. Nanatili lang syang nakatingin sa kalangitan at ine-enjoy ang malamig na simoy ng hangin. "I have this dream that keep on playing in my mind many times. It feels like it's real and not just a dream." Kinlaro ko ang lalamunan ko. Takte. Napasabak ako sa English. "Inabot sa akin ng pari ang mic na hawak nya matapos akong tanungin kung may gusto ba akong sabihin sa taong katabi ko. Inabot ko 'yon at nagsimulang sabihin ang gusto kong sabihin sa tao na pakakasalan ko." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkagitla nya pero hindi nya ako magawang tingnan. Ang likot ng mata nya sa hindi ko malamang dahilan. "Naaalala ko pa na nanginginig ang mga kamay ko habang nasa kamay ko ang mikropono. At alam mo ang ka-corny-han na sinabi ko sa harap ng babae na yon?" Tumawa ako ng bahagya. "I fell in love with you. Who knows how, who knows why, who knows when and who knows where, it doesn't matter to me and I did. I did fell for you and as the days passed and it turns to weeks, months, years, decades and even if it turns to century, I will fall for you even more.
"Isn't it funny na nakabisado ko ang mga linyang yon? Sa hindi ko naman kasi mabilang na beses ko na napanaginipan ang eksena na yon, hindi na malabo na tumatak sa isipan ko."
Nakaharap ako sa kanya habang hinihintay ko ang masasabi nya. Siguro nawe-weridohan sya sakin dahil sa mga sinabi ko. Baka mamaya isipin nya na nasisiraan na ako ng bait. Pero may parte sakin na nagsasabi na ipagpatuloy ko lang ang sinasabi ko.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at muli, tumigil ang mundo ko nang unti-unti syang humarap sakin at tinitigan ako sa mga mata.
"I-I don't know what to say." Natulala lang ako sa sinabi nya. Bakit pakiramdam ko ang pamilyar? Pero baka naman yun ang sagot nya sa lahat ng sinabi ko. Baka naman-"I need you. I need you because I do love you. Don't you ever leave me because, because... Ugh! Don't you dare!" Nakaharap sya sa akin kaya kitang-kita ko kung paano mangilid ang mga luha nya.
"R-Rai." Yan na lang ang nasabi ko dahil nag-uumapaw ang emosyon na nararamdaman ko.
Bakit... Bakit sinabi nya ang mga salitang yon? Ang mga salita, eksaktong-eksakto, na sinabi sakin ng babaeng pakakasalan ko sa panaginip ko?
"Akala ko ako lang." Nakatingala lang sya sa akin ngayon at pilit na pinipigilan ang luha.
Yinakap ko sya. Naramdaman ko ang paghikbi nya habang yumakap sa akin pabalik. Siguro nararamdaman nya yung puso ko. Ang lakas ng tibok. Narinig nya kaya yung pangalan na sinisigaw non?
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Teen Fiction"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪