Fortieth Shade ♫

22 5 2
                                    

Fortieth Shade ♫


Mataman lang akong nakatingin kay Hoshi habang nagta-type sya sa laptop nya.


"Is she a warrior?" Tanong ni mama.


"I'm not yet sure. Naguguluhan pa ako sa kapasidad nya. Hindi ko malaman kung isa na syang ganap na mandirigma o isa pa lang trainee." Sagot ni Hoshi habang patuloy sa ginagawa nya.


"Mag-isa lang ba ito?"


"Yes. And I think she's that strong para hayaan itong kumilos mag-isa knowing na ako ang hahanapin nya." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Hoshi.


"Yabang." Side comment ko at kinalikot ang cell phone ko at sinalpakan ng earphone saka nagpatugtog ng isang rock music. Sinagad ko ang volume para ma-relax ang utak ko.


Nakatingin lang ako sa kanila pero hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Nagtatama ang tingin namin ni Hoshi at mama pero ngumingiti lang sila at patuloy sa pag-uusap nila habang nagta-type pa rin ng kung ano sa laptop nya si Hoshi. Kinuha na rin ni mama ang laptop nya at nagsimula na rin mag-type. Nang makita ko na masyado silang busy sa ginagawa nila ay isinandal ko ang leeg ko sa couch kaya malinaw kong nakikita ang kusina.


Pamaya-maya ay nakaramdam ako ng paggalaw ng manggas ko kaya naman napaayos ulit ako ng upo. That familiar gesture. Naalala ko na naman ang babaeng yon.


Inalis ko ang nakasalpak sa tenga ko at nilingon lang si Hoshi.


"Chiyo."


"Nalaman na namin kung sino sya at kung ano ang pakay nya." Napaayos ako ng upo sa sinabing yon ni mama.


Ganoon kabilis? Wala pang isang oras a. Ibang klase.


"Nananatili pa ring sikreto ang lokasyon ninyong mag-ina. Mukhang nahihirapan sila sa paghanap sa inyo dahil na rin sa mga pekeng impormasyon na meron sila kaya naman hindi nila sinayang ang pagkakataon sa paghahanap sa inyo at dinivert ang atensyon sa ibang bagay."


"So she's after—" Magtatanong pa lang sana ako pero pinutol na agad ni Hoshi ang sasabihin ko.


"Me." Seryosong sabi ni Hoshi.


"I don't get it. Bakit ka nila hinahanap? Ano ba ang posisyon mo sa Pentagon? Isa ka bang opisyal?" Naguguluhan kong tanong.


Nakapagtataka naman kasi dahil parang isa syang importanteng tao sa emperyo nila. At wala pa rin akong alam sa kung ano ang kahalagahan nya roon at ganoon na lang ang paghahanap sa kanya. Pero siguro dahil na rin sa nangangamba sila na mag-leak ang impormasyon sa sikretong emperyo na yon pero iba ang sinasabi ng instinct ko. Pakiramdam ko ay may mas malalim pa na dahilan.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon