Twenty First Shade ♫
"Anong ginagawa natin dito." Bulong ko kay bansot pagpasok namin sa isang shop.
Masyadong maliwanag ang shop na'to. Masyado ring makulay. Pink at yellow ang interior at malalaki ang salamin. Masyadong kulang sa tela ang suot ng mga staff at masyadong malapad ang mga ngiti nila samin ni bansot.
"Ime-make over ka nila." Sabi nya saka itinuro yung dalawang babae na may hawak na brush at kung ano pa na pangkulay sa mukha.
"B-bakit?" nauutal kong tanong.
"Para hindi ka makilala nung stalker na yon." Bulong nya sakin saka iniupo na ako sa isang upuan kaharap ng salamin. Lumapit na sakin yung dalawa habang umupo na rin si bansot sa katabing upuan at mukhang aayusan na rin sya.
Nagsalita sya ng nihonggo na may action pa na parang may inilalagay sa ulo at sinasabi kung gaano kahaba yung kung ano. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti sya at ibinalik na agad ang tingin sa kausap nya. Nakikinig din ang dalawang staff na katabi ko sa kanya habang nakangiti. Hindi ko talaga gusto ang mga ngiting nakapakat sa mukha nila.
"Hai!" sabay nilang sabi ng matapos na ang pagsasalita ni bansot saka sila tumingin sakin. Alanganin din akong ngumiti sa kanila. Wala na naman akong lusot nito.
Nagsimula na silang ayusan kami ni bansot. May ipinahid silang kung ano sa mukha ko. Polbo ata o foundation? Malay ko ba. Hindi ko alam ang tawag. Nilagyan nila ako ng eyeliner. Nagpahid sila ng kung ano sa talukap ng mata ko. Kulay pink at violet pa na magkapatong. at may inilagay na kulay itim na x sa magkabilang pisngi ko. Ilang saglit pa na pagpapahid ng kung ano sa mukha ko ay natapos rin sila pero akala ko lang pala. Hinuhubad nila ang polo ko pero biglang sumigaw si bansot.
"Use that!" sabi nya saka may itinuro.
Tumango naman ako at nagpunta na ron. Hinubad ko ang polo ko kaya sando na lang ang natira. May inabot naman sa akin yung iang staff, hindi sya pumasok bale yung kamay nya lang, at inabot sa akin ang isang tela na kulay itim. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang blazer na suot ni bansot. Sinuot ko naman at hindi naman ganoon kasagwang tingnan. Bagay lang sya sa sando na suot ko at hindi kita yung muscles ko sa braso. Tss. Oo na. Sabihin na nating buto. Tss.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Malaki nga ang pinagbago ng mukha ko at hindi ko naman akalain na pwede pala akong magmukhang babae. Napangisi naman ako. Medyo na-stretch yung dalawang eks sa pisngi ko pero hindi naman natanggal. Kaso, habang tinitingnan ko ang repleksyon ko, pakiramdam ko may kulang.
Lumabas na ako para puntahan na si bansot. Nakikipag-usap sya sa mga nag-aayos sa kanya ng mapalingon sya sa gawi ko. Kumunot ang noo nya at mataman akong tiningnan. Ang ganda nya-mas lalo syang gumanda ng maayusan sya.
"Anong itsura yan?" Napahinto ako sa paglalakad at parang nalaglag sa isang baiting ng hagdanan. Nagulat ako ng ngumiti sya-ngumisi pala. "Yung totoo, bakla ka ba talaga?" nanlaki naman ang mata ko sa itinanong nya. Magsasalita na sana ako pero bigla syang tumawa at itinuro pa ako. "Wig na lang ang kulang." Pagkasabi nya non ay inialis nya na ang tingin sakin at may sinabi doon sa dalawang nag-ayos sa akin. Pinapalapit ako ni bansot at itinuro yung inupuan ko kanina.

BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Ficção Adolescente"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪