Thirty Sixth Shade ♫

17 4 0
                                    

Thirty Sixth Shade ♫


Inilinga ko ang mga mata ko nang madatnan ko na lang ang sarili kong nasa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Nagsimula akong humakbang kahit na may naramdaman akong takot. Wala akong nakikitang tao rito maski hayop. Maaliwalas ang kalangitan ngunit hindi nakasilip ang araw kaya naman nanunuot ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko.


Nakatayo ako sa kalagitnaan ng green field-hindi pala sa gitna. May isang matayog na puno na nakatayo sa pinkagitna ng lugar na ito. Hindi ko alam kung ano ang meron dahil gustuhin ko mang humakbang papunta sa lilim ng puno na yon ay hindi ko magawa. May pwersang pumipigil sa akin at para bang nakadikit na lang ang mga paa ko sa lupa.


Nakaramdam ako ng presensya kaya lumingon ako sa kanan ko kung nasaan iyon at hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata ko.


Sya.


Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya at anong ibig sabihin nito?


Nakangiti sya sa akin habang ako ay nakatulala lang sa kagandahan nya. Nakasuot sya ng uniform ng Engineering students sa Graham University. Sumasabay sa ihip ng hangin ang mahaba at makintab nyang buhok. May ilang hibla na tumabing sa mukha nya pero hindi ito nakabawas sa kagandahang taglay nya. Inilahad nya ang kamay nya kaya napatingin ako rito at bigla na lang rumehistro sa utak ko kung gaano kalambot ang mga kamay nya. Pati na rin ang mga sandaling hawak ko ang kamay nya.


Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong pinamulahan ako ng mukha. Hindi ko na tuloy magawang tumingin sa kanya ng diretso. Takte. Problema ko ba? Bakit na naman ba ganito saka bakit sya nandito at bakit inilahad nya ang kamay nya-teka.


Tiningnan ko ang kamay nya at kahit nag-aalangan ako ay tinanggap ko yon. Pakiramdam ko nabuo na ang pagkatao ko. Nawala ang lahat ng inaalala ko at napuno ng kapayapaan ang kalooban ko. Ibang klase nag pakiramdam na to. Para bang...ayoko nang matapos ang sandaling ito


Nagkaroon ako bigla ng lakas. Nalabanan ko ang pwersa na pumipigil sa akin kanina. Sabay kaming naglakad patungo sa punong yon. Magkahawak ang mga kamay namin. At kahit hindi kami tumingin sa isa't-isa, kahit hindi kami mag-usap, sapat na ang mga sandaling yon-hindi ko maipaliwanag kung paano pero alam ko na pareho kami ng nararamdaman ngayon.




Nagmulat ako ng mga mata nang may ngiti sa mga labi. Parang kagabi lang iniisip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Rai pero ngayon sigurado na ako. Hindi ko alam kung paano pero alam ko-mahal ko sya. Mahal ko pa rin sya.


Bumangon ako sa pagkakahiga at inilibot nag mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Nakapagtatakang wala si Hoshi ngayon. Na-late kaya sya ng gising?


Tumayo ako at nagsuot na ng t-shirt saka lumabas ng kwarto para puntahan si Hoshi. Kinatok ko ang kwarto nya pero walang sumagot. Pinihit ko ang door knob pero hindi naman naka-lock.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon