Thirty Fifth Shade ♫
Pagmulat ng mata ko ay nakakita ako ng anghel sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang rumehistro sa utak ko kung sino ang nagmamay-ari ng mukhang yon.
"Anong ginagawa mo rito?" Pasigaw kong tanong sa kanya. Nagulat ako e.
"Just checking you. Nakatulog ka ng maayos?" Sabi nya saka nilaro ang alarm clock ko sa bedside table.
"I think so." Sagot ko saka tumayo na sa kama at nag-inat.
"You have firm abs my dear brother."
"I know." Kaswal na sabi ko sa kanya saka dumiretso sa banyo. "Dumating na ba si mama?"
"Yes. Kanina pa at mukhang wala syang alam sa paggamit natin sa basement ng bahay nyo."
"Good." Sagot ko saka tuluyan ng pumasok sa banyo.
Naghilamos lang ako saka nagsipilyo. Inayos ng konti ang buhok saka nagbihis na. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Hoshi na nakasilip sa bintana pero natatabingan ito ng kurtina kaya mula sa labas, hindi mahahalata na may nakasilip.
"Mukhang hindi ako mahihirapan sayo Chiyo."
Ayan na naman sya sa kaka-Chiyo nya at ang dami nyang tawag sakin. Tss.
"Ano na naman bang ipapagawa mo sakin?"
"You should learn to defend yourself." Pagkasabi nya non ay umalis na sya sa bintana saka nag-ikot sa kabuuan ng kwarto ko.
"I know how to defend myself, Hoshi."
"Sigurado ka?" Tanong nya nang nakangisi.
"Pwede ba huwag ka na magpaligoy-ligoy? Diretsuhin mo na kasi."
"Why so impatient, Chiyo? Kabaligtaran mo si Vlad." May pailing-iling pa syang nalalaman at bahagyang tumawa.
"Sino si Vlad?" Madalas nya kasing mabanggit ang pangalan na yon.
"Ang head knight ng emperyo." Naupo na sya sa kama ko na gulo-gulo ngayon.
"Boy friend mo?" Tanong ko para mang-asar pero tumawa lang sya.
"Boy friend? Na-uh. Anyway sinabi ko naman na sayo ang tungkol sa pagtakas ko months ago, hindi ba?" Tumango ako bilang tugon. "Malaki ang posibilidad na mahanap na nila ang kinaroroonan ko. Maaaring mapahamak kayong mag-ina at ayokong mangyari yon dahil napalapit na rin kayo sakin."
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Teen Fiction"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪