Forty First Shade ♫
Napahilamos ako sa mukha ko nang mabasa ko ang lahat ng nakasulat sa folder na ibinigay sa akin ni Hoshi. Ang laman lang naman nito ay ang mga background information ng pamilyang Yuki. Bwisit! Bakit ba ngayon ko lang nalaman at nahalata ang lahat?
Ini-scan ko ulit ang file na hawak ko. Nagbabakasakali na baka mali lang pala ang basa ko kanina.
Yuki Mareo
*Eldest son of Cavalier Yuki
*A warrior
*Short tempered
*Blunt
Ilan lamang ito sa mga maiksing impormasyon na nakatala sa hawak kong mga papel. Kaya naman pala ganoon ang aura nya na para bang nagsusumigaw sa mga nakakaharap nya na 'Ma-intimidate ka!'.
Ipinilig ko ang ulo ko at binuklat ang sumunod na page at tumambad sa akin ang kakaunting impormasyon na meron tungkol kay Keitaro.
Yuki Keitaro
*Second son of Cavalier Yuki
*Intel personnel
*Weird
*Mysterious
Intel personnel? Ganoon ba sya katalino para masama sa Intel? Akala ko weirdo lang sya at nagkataong mahilig magbigay ng mga palaisipan pero masyado ko pala syang minaliit.
Napatitig naman ako sa picture na nakadikit sa taas at kanang bahagi ng sumunod na pahina. Yung magandang ngiti nya. Pati na rin yung pares ng mata na naaalala ko pa kung paano tumingin sa akin ng masama noon. At ang mga labi nya na natural na ang paggiging mapula.
Namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako habang hinahaplos ko ang one by one picture nya. Ipinilig ko ang ulo ko at nag-focus na lang sa impormasyon na nakatala sa file.
Yuki Rai
*Youngest and only daughter of Cavalier Yuki
*A warrior
*Emotionless
Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Yung una ay alam ko na at gayon din ang pangalawa. Ibang klase kasi ang lakas nya kaya hindi na nakapagtataka na isa syang warrior pero emotionless? Ang hirap naman paniwalaan nito.
Yes, may mga pagkakataon na hindi ko mabasa ang emosyon nya dahil naka-poker face sya pero may mga pagkakataon din na nakikita ko syang nakatawa at masaya tuwing magkakasama ang barkada. Teka, pero-siguro nga. Hindi ko nga pala sya ganoon kakilala. Ang alam ko lang naman ay marami nang emosyon ang nakita ko na lumabas sa maganda nyang mukha. Baka naman sa akin nya lang ipinapakita yon. Ugh! Ayokong umasa! Takte naman o!
Muli kong binasa ang iba pang impormasyon at napag-alaman ko na simula pa lang nang first year high school ako ay school mate ko na sya at binabantayan ang kilos ko. Takteng yan. Bakit ang tanga ko? Bakit hindi ko man lang nahalata ang presensya nya? Ang galing nya. Ibang klase talaga. Tahimik syang gumalaw. Nakakahanga ang kakayahang meron sya. Kung hindi pa ako na-late noong araw na yon ay hindi ko man lang sya makikilala at mahahalata ang eksistensya nya. Takte. Ang tanga ko!
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Teen Fiction"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪