Forty Seventh Shade ♫

26 4 0
                                    

Forty Seventh Shade ♫


Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngayon. Baka kung ano ang magawa ko. Baka masira ko ang mga equipment dito sa basement kung hindi ako kakalma. Tang ina! Bakit kailangang ako pa ang huling makaalam?


Pinagsusuntok ko ang punching bag sa harap ko. Hindi ko ininda ang sakit kahit puno na ng dugo ang mga kamao ko. Punyeta! Okay pa kami nung gabi! Maayos yung usapan namin tapos ganito? Aalis sya ng hindi man lang nagsasabi sakin samantalang alam ng mga kaibigan namin? Ano yon? Wala lang ako sa kanya?


Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Tang ina! Ang sakit! Sobrang sakit na maiwan sa ere! Mas pipiliin ko pa yung sakit na naransan ko dati kesa sa ngayon. At least noon, alam kong nandyan lang sya. Nasa paligid lang kahit hindi kami magpansinan pero ngayon, wala sya. Nasa malayo sya. Gusto ko syang puntahan pero wala akong alam. Mahirap na walang alam sa nangyayari. Bakit ganoon? Hindi nya ba ako pinagkakatiwalaan at wala man lang syang sinabi sakin?


Tumayo ako ng tuwid at ipinikit ang mga mata. Nararamdaman ko na ang kirot at hapdi ng sugat ko pero mas ramdam ko ang sakit ng unti-unting pagkabiyak ng puso ko. Pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahan sa pag-agos mula sa mata ko at tiningnan ang cell phone na nasa ibabaw ng lamesa katabi ng bag ko.


Nanginginig man ang mga kamay ko ay pilit kong kinuha ang cell phone at hinanap ang number nya. Tinawagan ko pero nagri-ring lang. Ni hindi man lang nya sinasagot. Ilang beses kong inulit pero ganoon pa rin.


Nanghihina na ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig. May bahid na ng dugo ang cell phone ko. Pinunasan ko ito at nagsimulang mag-type.


Rai, may problema ba tayo? May nagawa ba ako kaya ka umalis? Please, sagutin mo ang mga tawag ko.


Matapos kong i-send sa kanya ang text ay inilapat ko ang cell phone sa noo ko. Kahit anong pilit ko ay ayaw pa ring tumgil ng mga luha ko sa pag-agos. Tang ina! Ayoko sa kalagayan ko ngayon! Napakamiserable ko! Sobrang sakit! Wala man lang akong kaalam-alam sa nangyari. Bakit ganito? Ano'ng nangyari?


Ilang minuto akong naghintay sa reply nya pero wala pa rin akong napala. Nahihirapan na akong huminga sa paghikbi ko pero hindi ko pinansin yon at nagsimula ulit tumipa.


Nag-aalala ako sayo. Mahalaga ka sakin Rai. Mahal kita.


Matapos kong i-send yon ay na-blangko ang utak ko. Nakatulala lang ako sa dingding. Hindi ko alam ang gagawin at kung anong iisipin.


Bakit kahit na ang sakit, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya? Kahit na nahihirapan na ako ay mahalaga pa rin sya sakin at mahal ko pa rin sya. Kahit na parang wala lang syang pakialam ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan nya. Ang hirap. Sobrang hirap ng ganito. Hindi ko alam kung anong naging problema. Umalis sya ng wala man lang pasabi.


Pinunasan ko ang mukha ko saka tumayo. Inihagis ko ang hawak kong cell phone sa ibabaw ng bag ko saka tumingin sa salamin.


Ang miserable kong tingnan. May bahid na ng dugo ang suot kong polo at gusot-gusot pa. Magulo ang buhok ko at ang pula ng mata ko. Teka, ilang oras ba akong umiyak? Ilang oras ba akong nagmukhang tanga?

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon