Forty Sixth Shade ♫

16 5 1
                                    

Forty Sixth Shade ♫


Nanatili lang kami sa ganoong posisyon habang nakatitig sa mata ng isa't-isa. Takte. Wala na akong ibang mahihiling pa.


"Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?" Mataray na sabi ni bansot na kinagulat ko. Hindi ko makapa ang dila ko kaya hindI ko nagawang magsalita. Takte. Baka magalit sya. "Kiss mo na ko. Dali!" Namumulang sabi nya.


Matapos ang ilang segundo ng pagkakatulala ay nag-sink in sa utak ko kung anong sinabi nya.


"Ano—" Takte! Wala akong lakas ng loob! Bakit ko ba kasi hinawakan ko ang mukha nya?


"Grabe. Ang pula ng mukha mo!" Humagalpak sya ng tawa pero nananatili pa rin kami sa ganoong sitwasyon. At wala akong ibang magawa kung hindi panoorin ang kagandahan nya. "Ibig kong sabihin, i-kiss mo ako sa ilong. Wag sa noo a! Hindi ako matanda."


Natawa na lang ako saka ko sinunod ang sinabi nya. Yumuko ako para maabot ko ang mukha nya at gaya ng sinabi nya, hinalikan ko ang ilong nya. Namula na sya lalo! Ang cute talaga!


"Bakit sa ilong?" Takteng ngiti to. Ayaw maaalis.


Tumingin sya sa gilid nya na parang nag-iisip. "Para kasi sakin," Tiningala nya ulit ako. "Yung paghalik ng isang lalaki sa ilong ko ay katumbas ng pagsasabi ng tanggap nya kung ano ako." Nakangiti nyang sabi. Yung mga ngiti na alam kong totoo.


"Tanggap ko naman talaga ang kabansotan mo—" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko nang may tumama na sa tyan ko. Binunsol na naman ako!


"Shut up. Patapusin mo muna ako." Tumayo sya ng tuwid at tiningala ako. "Saka pwede ba maupo na muna tayo. Nakakangawit kaya." Matapos yon ay inirapan nya ako.


"Okay." Natatawang sagot ko. "Pero okay lang ba kung dito tayo? Madumi–"


"Who cares? Hindi naman siguro tayo mamamatay kung mauupo tayo dito." Balewalang sabi nya at nag-indian sit sya sa ilalim ng liwanag ng lamppost.


Eto na naman sya. Pinapahanga na naman ako sa unique personality nya. Pambihira. Imbes na ma-turn off ay lalo akong natu-turn on sa bansot na to.


"Sabi mo e." Sagot ko saka ko sya tinabihan. Pasimple kong hinawakan ang kamay nya. Ramdam ko ang pagkagulat nya pero hindi sya gumawa ng paraan para mabitiwan ko ito. Gaya pa rin ng dati.


"I am happy with you and that's why I am sticking beside you." Panimula nya. "I feel comfortable when I am with you. Nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Nagmumukha akong tanga sa harap mo na bihirang mangyari. Nakakalimutan ko mag-isip ng matino kapag kasama kita." Tiningnan nya ako ng masama. "Pero ito yung matagal ko ng pangarap. You made my dream come true." Nginitian nya ako ng matamis.


Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sobra-sobra na. Sobra-sobra ang nararamdaman kong tuwa ngayon.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon