Thirty Ninth Shade ♫

19 4 0
                                    

Thirty Ninth Shade ♫


Hindi ko alam kung bakit nagpatawag ng pagpupulong si Hoshi. Tss. Pinauwi nya ako agad matapos ang klase ko at ginising nya ng maaga si mama. May pag-uusapan daw kaming importante. Baka tungkol sa laro nya. Tss. Hindi. Malabong ipaalam nya kay mama ang ginagawa nya sa buhay ng mga tao sa paligid nya dahil alam nyang ika-counter yun ni mama.


Maaari kong sabihin kay mama ang ginagawa ni Hoshi pero malaki ang posibilidad na mapahamak lang sya kapag nangialam sya. Nag-iba si Hoshi. Matapos ang naging pag-uusap namin noong umaga na bumuka ang sugat nya ay para bang naging ibang tao sya. Ganoon pa rin naman ng trato nya sakin, tinuturuan nya pa rin ako at napakagaling nya, pero nag-iba ang aura nya. Nagsimula na akong magduda hanggang isang araw ay napagpasyahan kong kausapin sya.


Pinasok ko ang kwarto nya pero hindi ko sya nakita sa loob. Mukhang nasa banyo sya kaya naman naupo na lang ako sa couch kaharap ng kama nya para maghintay. Medyo natagalan sya kaya naman naisipan kong magbasa-basa na lang at doon ko napagtuunan ng pansin ang chess board sa ibabaw ng lamesa. Iba ang ayos nito kaya nag-iba ang pakiramdam ko. May nakita akong isang libro sa ilalim ng lamesa kaya binuklat ko ito at nakita ko na lang ang nakasulat.


Sa bawat pahina ay nakasulat doon ang pangalan ng mga taong kilala ko kasama ng picture nila. May mga impormasyon din na nakatala roon. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin nang maramdaman ko ang presensya ng kapatid ko. Nginitian nya lang ako at naglakad lang sa loob na parang walang nangyari. Na para bang isang normal na bagay lang ang nalaman ko.


"This is so important." Panimula ni Hoshi. Napatingin ako sa kanya at saka ko naalala na may pagpupulong pala kami. Sana lang at hindi nila nahalata ang pagkawala ko sa focus.


"May kinalaman ba ito kay Yuzuku?" Tanong ni mama matapos uminom ng juice.


"Sort of." Tiningnan ako ni Hoshi saka ngumiti. "Napag-alaman ko na may kasapi sa Decurion ang nag-aaral sa unibersidad na pinapasukan namin." Natulala si mama sa narinig nya. Ako naman ay kumunot lang ang noo dahil hindi ko maintindihan.


Ano ang Decurion? Bakit big deal sa kanila kung may nakapasok man sa unibersidad? Tss. Makikinig na lang ako dahil nararamdaman ko na ipapaliwanag na nila ito sakin. Ito na ata ang tamang oras na sinabi ni Hoshi. Who knows? Tss.


"Kailan pa?" Tanong ni mama pero para bang nawala sya sa sarili nya. Nag-iba ang aura nya. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.


"Last week." Sabi ni Hoshi saka tumingin sa laptop nya. "Katulad ng ginawa natin ay pineke ang mga papeles nya. Pinakialaman ang mga university files. Nalaman nya ang mga address, nakakuha sya ng mga background information tungkol sa target nya." Huminto sya sa pagsasalita saka tumingin sa akin. "Kailangan nating mag-ingat sa mga kilos natin."


"Tama pala ang naging desisyon ko. Binago ko ang impormasyon na nakatala tungkol sayo Yuzuku. Binago ko ang address, ang birthday at ang background mo." Nakatulala lang ako kay mama habang nagsasalita sya.


"Teka nga, ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Sabay pa silang napabuntong-hininga bago ako tiningnan.

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon