Twentieth Shade ♫
Huminto ang tren at hinila na ako ni bansot palabas. Marami rin kaming kasabay tulad na lang nung babae kanina kaya todo kapit si bansot. Ramdam ko sa higpit ng hawak nya na nanggigigil sya. Tingin kasi ng tingin sa amin o sa akin yung babae tapos ag magtatama ang mata namin bigla syang ngingiti na parang nang-aakit. Hindi ako assuming na nang-aakit sya. Ganun lang talaga ang interpretasyon ko sa mga ngiti at tinginan nya. Hindi naman ako ganoon kaignorante para hindi mahalata.
Naglalakad kami sa istasyon paakyat na kami sa ground floor. Nasa underground kami ngayon. Para makaakyat pwedeng gumamit ng hagdan o kaya naman ay escalator. Sa escalator na kami ni bansot. Lakad kasi kami ng lakad kanina. Luminga naman ako sa paligid ko at hindi na ko na nakikita yung babae. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang. Medyo creepy kasi.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay bansot sabay tingin sa kanya. Tumingala naman sya saka ako nginitian.
"Sa Omoide Yokocho." Bigla naman akong natulala. Pakiramdam ko tumgil yung mundo ko at sya lang na naman ang nakikita ko. "Also known as Piss Alley." Sabi nya saka biglang nanlaki ang mga cute nyang mata. "Hoy an'yare sayo? Gusto mong mahigop ng escalator?" Sabi nya sabay hila sakin. Natauhan naman ako. Nasa dulo na pala kami at kung hindi nya ako hinila, kung hindi sya amazona, baka naaksidente na ako sa escalator.
"Gomen." Mahina kong sabi. Nakakahiya naman akasi. Bigla na lang ako nawala sa sarili ko habang pinagmamasdan sya.
"Okay lang. Mag-iingat ka na lang sa susunod. Mukha na ngang daga lampa pa." pang-aasar nya sa'kin saka tumawa.
"Oo na po." Sagot ko saka ko sya nginitian.
Naglakad na kami sa kung saan hanggang sa ilang saglit lang ay nasa harap na kami ng isang makitid na kalye. May mga makukulay na signs at umiilaw pa yung iba. Maraming restaurants at may mga naka-maid uniforms sa labas na nanghihikayat ng costumers. Kahit na hindi ganoon kalapad ang kalye na 'to parang ang sarap mamasyal dito.
"Ang ganda no? Isa 'to sa mga favorite kong punatahan para kumain. Ang sarap kasi ng mga sushi saka ramen dito saka hindi ganoon ka-crowded kagaya ng ibang lugar. Kain ulit tayo!" masigla nyang sabi saka hinila ako sa kahabaan ng kalye.
Ako, nagpapahila lang sa kanya habang pinagmamasdan yung mukha nya na hindi ko pagsasawaang tingna- Ang corny ko. Tss.
Pumasok kami sa isang restaurant. Sinalubong naman kami ng mga nakaunipormeng crew. Dalawang babae ang bumati sa amin at yung isang lalaki naman na nagse-serve sa isang table ay lumingon sa amin saka ngumiti. Naupo kami ni bansot sa bandang dulo kung saan makikita namin ang pumapasok o lumalabas sa restaurant na to. Tumingin kami sa menu. At dahil hindi ko naman mabasa dahil kanji letters ata ang mga nakasulat e ipinaubaya ko na lang kay bansot ang kakainin namin. Wala naman sigurong lason yung mga pagkain dito.
"Um, oy. Anong inorder mo?" Napatingin naman sya sa akin matapos nyang sabihin sa waitress ang inorder nya. Hindi ko naman kasi naintindihan dahil nagnihonggo sila.
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Genç Kurgu"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪