Thirty Third Shade ♫
Nilakad lang namin ang papunta sa bahay nila dahil walking distance lang naman. Kung ikukumpara ay mas malapit pa nga ito sa papunta sa bahay namin. Walk trip lang kami pero tumigil kami sa isang convenient store na nadaanan namin para bumili ng pagkain mamaya.
"Pancan na lang tayo." Suggest ko sa kanila. Nagtatalo kasi sila kung ano ang bibilin namin.
"Sige lang. Basta ikaw magluluto." Sabi ni Tanya.
"Okay." Sagot ko.
"Yon! Ang bait ni espren! Nagjo-joke lang si Tanya." Sabi ni Arniel saka sya tumawa.
"Ang slow." Segunda naman ni Rai saka tumawa. Ngumiti na lang ako ng pilit. Malay ko bang joke pala yon.
"Yih! Sasama si Div!" masayang sabi ni Maki at kinikiliti nya pa sa tagiliran si Divina.
"Nice one!" nakipag-high five pa si Chrys sa kanya.
"Anong nakain mo? Once in a blue moon ka lang sumama sa mga gala a." Tanong ni Tanya.
"Nakaka-stress na kasi yung mga gagawin nating plates at projects kaya kailangan muna magliwaliw." Natatawa nyang sabi.
Nakalabas na kami ngayon sa convenient store at naglalakad na papunta sa bahay nila Tanya. Kanya-kanyang pag-uusap ang mga babae habang tahimik lang kaming nakikinig sa kanila. Nauuna sila samin kaya naman nakikita namin ang mga ginagawa nila mula sa pwesto namin. Kami na ang nagdala ng mga pinamili tutal kami ang lalaki at hindi naman ito ganoon kabigat.
Ilang minuto lang at nakarating kami sa bahay nila Tanya. Malaki ito at dalawang palapag. Kakaunti lang ang mga halaman sa garden nila pero maganda pa rin ang landscape. Pumasok kami sa loob at mahahalata na hindi basta-basta ang mga kagamitan. Halatang mamahalin at ang iba pa ay mukhang imported.
Nagtungo kami sa sala. Akala namin ay doon kami manonood dahil iniwan kami ni Tanya doon at nagpunta sya sa kusina yon pala ay pinaluto nya lang ang mga pinamili namin at nagbilin na dalhin na lang sa kwarto ang mga pagkain.
"Tara." Nakangiting yaya nya sa amin habang nauuna sya sa paglalakad at nakasunod kami sa kanya.
"Rich kid ka pala Tanya." Sabi ni Arniel habang inililibot ang mga mata nya sa kabuuan ng dinaraanan namin.
"Sus. Lahat naman kaya tayo. Hindi basta-basta ang tuition sa Graham University kaya naman given na ang pagiging rich kid ng mga estudyante ron."
"Sabagay. Pero nagtataka nga lang ako at bakit tayo nag-agree sa pancit canton bilang meryenda." Nakangiting sabi ni Arniel at tumingin sa akin. Napatingin na rin ang iba kaya naman na-conscious ako bigla.
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Fiksi Remaja"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪