Thirteenth Shade ♫

27 8 1
                                    


Thirteenth Shade ♫


Nagsimula ng tumunog ang mga drums at gitara. Yung vocalist naman ay pinaglalaruan yung mic na hawak nya. Nang magsimula syang kumanta, nagulat ako dahil ang lamig ng boses. Iba sa inaasahan ko. Ikinagulat ko rin na English yung ibang lyrics. Akala ko Japanese. Pero ang astig! Ang taas pa ng boses nya.


"Don't go! It's a mighty long fall when you thought love was the top! Oh!" napatingin naman ako sa mga kasama ko ngayon na nagwawala na sa tabi ko. Natawa naman ako dahil kumakanta at ginagaya ni bansot yung vocalist at gitarista naman si Keitaro. Hahaha. "Tinatawa-tawa mo dyan? Mag-drums ka! Kulang kami ng drummer!" sabi pa ni bansot at ipinagpatuloy ang pagkanta.


Pinagtitinginan na kami nung ibang kasama namin dito sa area na 'to pero napagpasyahan ko na sabayan na lang ang trip nila kaya nung makuha ko ang beat ay in-imagine ko na may drum set sa harap ko at nagsimulang pumalo.


Napatingin naman si Keitaro sakin. Nginitian ko sya at ganoon din ang ginawa nya. Para kaming nakapag-usap sa isip dahil sabay kaming nag-head bang pagtapos magngitian. Nakakatawa kasi para kaming baliw dito pero hindi kami nahihiya. Humarap samin si bansot saka itinaas yung isang kamay nya at itinapat sa bibig nya yung isa pa na parang may hawak syang mic.


"Get up, get up, get up, get up! Time to make amends for what you did!" Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kanya dahil damang-dama nya yung kanta. At ang ganda rin ng boses nya kahit na hindi nya maabot yung ibang nota.


Ipinagpatuloy namin ang paggiging baliw hanggang sa matapos ang kanta. Nasundan agad pero mukhang hindi rock ang susunod na performance dahil umalis sa drumset yung drummer at naupo sa isang tabi, sa beat box ata sya naupo. May pumasok naman na babae sa stage at umingay ang mga tao. Mukhang ito na ang sinasabi ni bansot na Dawn Patricia. Sinalubong naman sya ng bokalista saka inalalayan papunta sa gitna. Matapos ang sa tingin ko pagpapakilala, na na-gets ko naman kahit hindi ko naiintindihan, ay nagsimula ng mag-strum ang mga gitarista na sinabayan naman ni Takahiro.



So they say the time takes away the pain

But I'm still the same, oh


Tiningnan nya yung Dawn Patricia saka nginitian at ito naman ang kumanta.


And they say that I will find another you

That can't be true, oh


Narinig ko si bansot na sinasabayan yung pagkanta ng babae at si Keitaro naman ang sa lalaki. Bakit parang hindi na nagdadalawang isip si bansot na magwala? Bakit hindi na sya nagpapaka-sopistikada? Ano ba ang nagyayari. Naguguluhan na talaga ako. Napaka-clueless ko ngayon. Ni wala man lang nagsasabi sa akin ng mga nangyayari. Ano ba kasi?


So this is heartache? So this is heartache?

Hiroi atsumeta kokai wa namida e tokawari, oh baby

So this is heartache? So this is heartache?

Ano hi no kimi no eiga wa omoide nikawaru, I miss you

Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon