Twenty Ninth Shade ♫

19 4 0
                                    

Twenty Ninth Shade ♫


Ramdam ko ang mabibigat na talukap ng mga mata ko. Bwisit naman kasi! Hindi ko nagawang makatulog dahil sa trespasser kagabi! Binantayan ko ang kwarto ng babaeng yon mula dito sa sala habang hinihintay si mama. Baka kasi mamaya i-assassinate ako ng babaeng yon habang natutulog. Mabuti na yung nag-iingat.


Alas kwarto ng umaga nang marinig ko ang pagbubukas ng gate namin at iniluwa noon ang mama ko na nagulat pa dahil sinalubong ko sya. Tinanong nya ko kung bakit gising na raw ako at sinabi ko na hindi ako natulog. Ikinwento ko rin ang nangyari kagabi pwera na lang sa parte na natakot ako at inakala kong white lady si Hoshi.


Biglang nagseryoso si mama pagkabigkas ko ng pangalan ng trespasser. At base sa ikinilos nya, may alam sya na sa nangyayari. Nakakainis dahil mukhang ako lang ata ang walang alam.


Pinuntahan nya ang guest room at kinatok nang wala man lang sinasabi sa akin. Iniwan ko na lang sya dahil sa estado ni mama ngayon ay hindi nya ako kakausapin at hindi sya magsasalta. Magluluto na lang ako ng pagkain para sa kanila.


Habang nagluluto ako ay inaalala ko ang napag-usapan namin kagabi. Nagkakaroon ng digmaan sa Pentagon. Saan naman yon? Sa US kaya? US lang ang alam ko na may Pentagon e. Pero kung sa America nga yon at may nagaganap na digmaan, bakit walang balita sa TV at social media? Nakapagtataka naman yon.


At oo nga pala, may sinabi sya na tungkol sa pagpapatalsik sa emperador ng emperyo nila. Teka nga, kung may emperador, ibig sabihin hindi yon sa America dahil si Obama ang presidente nila at wala silang emperador. Kung hindi sa America, saan naman naroon ang Pentagon?


Saka ano? Kapatid ko sya? E bakit nang may sinabi sya tungkol sa pagtatago ay 'iyong ina' ang binanggit nya. Parang may mali sa pagpili nya ng salita. Pwede nya namang sabihin na 'ating ina'. Ano kaya ang ibig nitong sabihin?


Kung kapatid ko nga sya, bakit malayo kami sa isa't-isa? Bakit ngayon lang kami nagkita matapos nyang tumakas sa sinasabi nyang digmaan? At bakit wala man lang nabanggit sa akin si mama tungkol sa pagkakaroon ko ng kapatid?


Napaayos ako ng tayo nang makarinig ako ng dalawang pares ng paa papunta sa kinaroroonan ko. Inilagay ko na sa lalagyan ang niluto kong hotdog at itlog. Nakahain na rin ang fried rice sa lamesa.


"Good morning Chiyo."


"Shut up Hoshi."


Bwiset! Sinabi ng huwag akong tawagin sa pangalan kong yon e!


"That's how you treat your younger sister? How rude of you." Napairap na lang ako sa ginawa nyang pag-pout.


"Kung mas matanda ako sayo, you should treat me with respect and don't call me by my first name. You should at least call me Kuya." Habang sinasabi ko yon ay may kung ano sa loob ko na natuwa. Matagal ko na kasing gutso na magkaroon ng nakababatang kapatid.


"Okay, then." Pagkasabi nya ay naupo na sya gaya ni mama.


Shocking PinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon