Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni bansot at para ng mangangain ng tao pagharap sakin. Teka, boy friend? Sinong tinutukoy nya? Nagpalinga-linga ako. Nakita ko na mga nakatunganga samin ang mga tao sa cafeteria. Yung mga babae halos malusaw na yung dalawang lalaki sa likod ni bansot sa katititig nila.
"Ano ka ba naman. Ikaw ang tinutukoy ko. Sino pa ba sa akala mo? Ang corny mo talaga!" at tumawa pa sya ng peke habang nakatingin sakin ng masama. Ang hirap ipaliwanag dahil sa chinita sya pero alam kong masama ang mga titig nyang yon. Pagkasabi nya non ay lumapit sya sakin at hinawakan ang braso ko. Idinikit pa nya sakin ang katawan nya saka tumingin sakin ng masama pero nang ibinalik nya ang tingin nya sa dalawang lalaki ay nagbago. Kung makangiti parang ewan. Ang lapad o. "Eto ang Corniest ng buhay ko!"
Hindi ako tanga para hindi ma-gets ang mga nangyayari. Halata namang pinagpapanggap ako ng babaeng to na maging boy friend nya. Para namang papayag ako. Pagkatapos ng ginawa nya sakin kanina ha? Asa naman sya!
"Pasensya na po. Pero hind----"
"Hey Corniest! Anong sinasabi mo dyan? Hindi mo na natatandaan na kasasagot ko lang sayo kanina? Ano ba yan! Nagjo-joke ka na naman ba? Hahaha. Ikaw talaga. Patawa lagi e ang corny mo naman." Tinakpan pa nya ang bibig nya at mahinhing tumawa. Kala mo namang napakahinhin talaga. Tss.
Tumalikod muna samin ang dalawang lalaki at para bang nag usap. Hindi ko nga lang marinig ang pinag-uusapan nya. Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko ngayon na siniko ako sa tyan at tinitigan pa ng pagkasama-sama. Aawayin ko na sana sya nang biglang humarap samin yung dalawang lalaki at mukhang seryosong-seryoso. Napalunok na naman ako ng hindi sinasadya.
"Ehem!" sabi nung lalaki na may peklat sa mukha. Automatic naman na napatingin kami nitong babae sa kanya. Takte. Kung makatingin naman tong si Kuya parang mangangain. "Yuki Mareo." Pormal nyang sabi habang titig na titig sakin.
"Yuki Keitaro." Nakangiti namang sabi ng isang lalaki na may salamin. Napilitan akong ngumiti sa kanila. Tiningnan ko naman ang babaeng nakakapit pa rin sakin hanggang ngayon.
"Malalagot ka sakin pag sinaktan mo ang kapatid namin." Pagbabanta nung Yuuki Mareo daw.
"Don't mind him boy." Masigla nyang sabi sakin. "See you around, Corniest ni Rai!" sabi naman sakin nung Keitaro ba yun habang matawa-tawa pa. Sa sobrang singkit halos hindi na makita yung mata nya sa twing ngumingiti.
Nakahinga ako ng maluwag ng hilahin nung Keitaro yung isa palabas ng cafeteria. Hay salamat! Nawala na sila sa paningin ko. Akma na sana akong uupo para ubusin ang natitirang pagkain ng maalala kong may bansot pala na nakakapit sa braso ko. Tinitigan ko sya na nakatingala sakin habang tulala. Nagtitigan kami hanggang sa mukhang na-realize nya ata ang posisyon namin. Mabilis nyang inalis ang pagkakakapit nya sakin saka umayos ng tayo. Namumula pa ang pisngi. Anong problema nito? Tss. Ano ba, para namang may pakialam ako.
Hinawakan ko na yung juice na iinumin ko dapat saka naupo. Pero hindi pa man ako nakakalasap ng kahit isang lagok e biglang sumigaw si bansot at hinila agad ako. Takte. Yung bag ko! Ayun, nagpapakahirap akong abutin yung bag ko habang hila-hila nya. Bwiset!
BINABASA MO ANG
Shocking Pink
Novela Juvenil"She is still a mystery to me. Her odd behavior is the very thing I love. She is amazing in her own way. She captured my heart in a method that she is the only one who is able to conduct." -Corniest Hue Series #1 Shocking Pink © rai_charlotte ♪