Napabalikwas ng bangon si Ethan nang maramdaman ang malamig na likidong sumaboy sa buong katawan niya.
"Fuck"
Gusto niyang punasan ang mga mata pero hindi niya magawang igalaw ang mga kamay, maging ang mga paa.
Sinubukan niya muling gumalaw habang nakapikit pero pinipigilan talaga siya ng mahigpit na pagkakatali sa kanya.
Nakarinig siya ng bungisngisan animoy may mga taong nakapaligid sa kanya kung kaya mabilis niyang pinilig ang ulo upang bahagyang matuyuan sa may bandang mukha niya.
Unti-unti niyang minulat ang mga mata at inaninag kung sino ang mga ito.
Doon din niya unti-unting naalala ang nangyari. They were taken by the gangsters.
Eilie. Shit. Where's Eilie?
Mabilis umikot ang mga mata niya upang hanapin ang dalaga.
"Nasaan si Eilie?" Sinubukan niyang magtanong ng kalmado sa lalaking nakangisi at mukhang nag e-enjoy na pinapanood ang bawat reaksyon sa mukha niya.
"Huwag kang mag-alala. Nag e-enjoy siya kung nasaan man siya ngayon", sagot nito at may paglabas pa ng dilang nalalaman animoy may nilalasap mula sa mga labi.
Kumuyom ang mga kamao ni Ethan.
Motherfucker.
"NASAAN.SI.EILIE? Anong ginagawa niyo sa kanya?" Matigas at may diin bawat bigkas sa mga salitang bitaw niya.
Tumawa lang ang mga ito. Umiling na nakangising tumayo si Razor.
"Ano bang iniisip mo? Ikaw naman. Marami na kayong nag-uunahan tumikim dun, satingin mo ba ganoon kababa ang standards ko?" Nang-uuyam na saad nito.
Assuming. As if naman papatulan ka niya.
Hindi sumagot si Ethan.
"Nandiyan lang naman siya. Dasal-dasal ka na lang na hindi siya kursunadahin ng mga tao ko. May ayuda pa naman ang mga 'yun mula kay bossing." Nakangising pang-aasar na pahabol pa ni Razor.
Mga adik.
"What does this have to do with Eilie? Are you related with Astrero?" Seryoso at magkasunod na tanong ni Ethan.
"Hanep rich kid pa ata 'to."
"Paldo 'pag nilapagan 'yan ng kwarta sa ulo."
Hindi pinansin ni Ethan ang mga bulungan ng iba nitong kasama. He already guessed that.
"Baduy mo naman pre. Pinoy ka naman siguro?"
Idiot.
"Bakit? Hindi mo ba naintindihan?" Tanong pabalik ni Ethan dahilan para magtawanan ang mga tauhan nito.
"Binalingan ni Razor ang mga ito ng tingin dahilan para mabilis ang mga itong tumahimik. Binalik ni Razor ang tingin sa walang emosyon na mukha ni Ethan.
"Iniinsulto mo ba ako?" Nakangiting tanong ni Razor sa kanya.
"Depende, kung nainsulto ka." Balik naman ni Ethan.
Razor scoffed.
"Fuck"
Nag-iigting ang mga panga na nakangising nakatingin si Razor sa nangamatis na pisngi ni Ethan dala ng pagkakasampal niya rito.
"Ayus-ayusin mo ang pagsagot bata. May balak pa akong isauli ka ng buhay sa mga magulang mo." May halong pagbabanta na turan nito saka tumayo.
"Paano si Eilie?" Mabilis niyang tanong dito dahil humahakbang na ito paalis.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RandomEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...
