Chapter Updated: 06/08/16
--------------------
(Aldrin above)
----------
SCA 2: Aldrin
--Cathy's POV--
"ALDRIN?!" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Ang kababata ko na lagi kong kasama noon. Ang kababata kong matagal na nahiwalay sakin. Ngayon, nasa harapan ko na.
"Teka..magkakilala kayo?" takang tanong ni Jonie.
Kumunot yung noo ni Aldrin. Bigla akong kinabahan nung maisip ko na baka di na ko kilala ni Aldrin. Na baka nakalimutan na ko ng kababata ko.
"Actually, no. Do you know me, Miss?" tanong niya.
Natulala nalang ako sakanya. Nakalimutan na ko ng kababata ko. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag init ng mata ko at naramdaman ko nalang na basa na pala ang pisngi ko.
*Play music above*
Nilapitan naman agad ako ni Aldrin.
"Hey,hey. Why are you crying? Nagbibiro lang naman ako. Siyempre di ko makakalimutan ang pinakamamahal kong bestfriend noh?" sabi niya tapos niyakap ako ng mahigpit.
Grabe! Pinagtripan pa ko. Tinulak ko siya palayo.
"Ikaw talaga. Kailangan ko pa umiyak para lang sabihin mong kilala mo talaga ako noh?" kunwaring tampo na sabi ko.
"O sorry na. Sorry na po. Bakit ka ba kasi biglang umiyak diyan?" sabi niya tapos hinawakan yung dalawang pisngi ko.
Napatingin ako sakanya.
"Ikaw kaya yung sabihin kong di ko kilala. Ha?! Matutuwa ka ba nun?" sabi ko.
Binitawan na niya yung mukha ko tapos ginulo yung buhok ko.
"Sus. Oo na. Pero teka, ano palang ginagawa mo dito? Tsaka, insan, san si Shan?"
Bigla naman kaming natahimik ni Jonie. Walang nagsasalita samin.
"Ahh...may kausap ba ko dito?" tanong ni Aldrin.
"Umalis na si Shan ea. Nakipaghiwalay siya sakin." si Jonie na ang bumasag ng katahimikan namin.
"ANO?! Bakit?! Paano nangyari yun?"
O.A. din palang mag react tong si Aldrin. Noon kasi, hindi siya mahilig mag react sa mga sinasabi namin noon. Naninibago lang siguro ako sakanya ngayon.
"Hayaan mo na muna yun. Itong kababata mo ang kausapin mo. Alam mo naman yung kay Ivan diba?" sabi ni Jonie.
Hindi ko alam pero parang lumungkot yung mukha ni Aldrin. Pero agad rin siyang ngumiti at nagmukhang jolly ulit. May problema ba siya kay Ivan? Wala naman siguro.
"So, I think this is about the girl he met yesterday right?"
Nandito na pala kami sa sala nila Jonie at mukhang sisimulan na ni Aldrin ang misa (sermon) niya sakin.
"Yeah. Nakaka---"
"Yeah is enough. Isa lang ang tinanong ko and I didn't ask for any opinion or explanation from you. So stay still."
Napanganga nalang ako sakanya. Hindi dahil sa pag e-english niya. Kasi lahat naman kami walang problema sa pagsasalita ng english. It's just that it's the first time na nakita ko siyang seryoso at talaga nga atang sesermunan ako.
"Sorry naman." nanahimik nalang ako sa lugar ko.
"So, I guess hindi mo siya pinag explain. Right?" sabi niya.
Tumango nalang ako. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Tumingin ako sakanya.
"Same old Cathy." narinig kong sabi niya.
"Bakit naman?" hindi ko naman ugaling magtanong ulit ng narinig ko dahil babarahin lang ako nitong lalaking to for sure.
"Never ka naman nakinig sa explanation ng iba, kahit noon. Kung anong nakita mo, yun yung totoo para sayo. Hindi mo binibigyan ng chance na mag explain sila sayo. You never listened to anyone, Cathy. Never." sabi niya.
Hindi ko alam pero parang biglang sumakit yung sa bandang dibdib ko. Oo, masakit lahat ng sinabi ni Aldrin kahit totoo. Pero mas masakit kasi na pati pala siya ganun iniisip sakin. Hindi ako nakapagsalita.
"Cathy..." tawag niya sakin.
Tumingin ako sakanya.
"Kahit ngayon lang, matuto ka sanang makinig. Pakinggan mo yung explanation niya. Kung di mo tanggap, fine, atleast hinayaan mo siyang mag explain diba?" sabi niya pa.
"Para saan pa ba? Bakit? Alam mo ba yung pakiramdam na may kasamang iba yung mahal mo?" sabi ko.
Tinignan niya ko ng seryoso. Kita sa mga mata niya yung lungkot na hindi ko alam kung anong rason nun.
"Alam ko Cathy. Alam ko ang pakiramdam na yun. Bakit kasi hindi mo siya pakinggan?"
"Ano pa bang kailangan kong marinig sakanya? Sasaktan ko lang sarili ko kapag pinagpaliwanag ko pa siya diba?"
"Kailan pa nakasakit ang malaman na inaayos na niya lahat para sa kasal niyo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Inaayos na ni Ivan lahat ng para sa kasal namin?
"See? Kung matututo kang makinig, dun mo malalaman kung ikatutuwa o makakasakit sau yung malalaman mo. Hindi masama na makinig. Ang masama? Yung hindi mo siya bibigyan ng chance na i explain yung side niya."
I was speechless. Hindi ko alam pero parang napipi ako. Si Aldrin lang talaga kayang magpalinaw sakin ng mga bagay-bagay. Kaya malinaw na sakin, na kailangan kong makausap si Ivan.
"Ano pang ginagawa mo diyan?" napatingin ako kay Aldrin.
"Huh?" takang tanong ko.
"Bumalik ka na sa condo mo dahil siguradong nandun si Ivan and baka pati si Shan." sabi niya.
"Tapos na ba kayong mag-usap dyan?" muntik ko nang makalimutan na may isa pa pala kaming kasama dito.
"Oo. Aalis na nga siya ea."
Tinutulak na ko paalis ni Aldrin.
"Aray! Oo na! Eto na aalis na! Sige Jonie. Bye! Don't worry try ko kausapin si Shanie. Thanks Ald! Bye!" sabi ko tapos umalis na.
Nginitian nalang nila akong dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ivan kapag nagkita kami. Pero isa ang sigurado ako,
...kailangan ko siyang makausap.
----------
After how many months, I didn't expect na mag-u-update pa pala ako dito haha. Na focus kasi ako sa Her Secret ea. Anyway, ta-try ko mag regular update dito. Suportahan niyo rin po sana yung isa ko pang on-going na Her Secret. Tnx guys.| friendshipfighters💞 |
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters