SCA 24: Pain

5 1 0
                                    

Chapter Updated: 08/15/16

--------------------

SCA 24: Pain

Aldrin's POV

RineChard Resort.

Yan ang name ng resort kung nasaan kami ngayon. Pagkarating namin sa resort, napatitig ako sa wood sa harap kung san nakasulat ang name ng resort na to.

"Haay. Bakit di pa nila pinalitan yung pangalan nito?" tanong ko sa isip ko.

Ang tagal na simula nung gawing ito ang pangalan ng resort na to. Matagal narin walang nakakaalala sa meaning ng pangalan ng resort na to maliban samin nila Tita Cass.

"Aldrin." napatingin ako sa tumawag sakin.

"Oh Jonie."

"Bakit ka nag stay diyan? Akala pa naman namin sumusunod ka."

"Ahh. Tinitignan ko lang to." sabay turo sa wooden board kung san nakalagay ang pangalan ng resort na to.

Napatagal pala ang pagtingin ko dito. Bakit kasi ito parin pangalan nito eh.

"May problema ba diyan? Kakaiba nga eh. Parang dalawang tao lang." tapos tumawa siya.

Napatingin naman ako kay Jonie. Nung napansin niyang seryoso akong nakatingin sakanya, napatigil siya sa pagtawa. Tapos nginitian ko siya.

"Pano mo nalaman yun?" tapos iniwan ko na siya dun.

Malamang nagtataka yun. Ang tinatanong ko sakanya ay kung pano niya nalaman na dalawang tao ang nasa pangalan ng resort na to.

Pagkarating namin sa mga rooms namin, inayos lang namin ang gamit namin tapos bumaba na para kumain sa RineChard Resto dito.

Pagkatapos, dumiretso na kami sa beach part. Nagbabasaan lang kami. Nagsasaya at sinusulit lahat ng oras na malaya kami.

Nung napagod ako, umahon muna ako at umupo sa isang malaking bato malapit dun.

Dun ko napansin na...







...hindi pala namin kasama si Cathy.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko,







...pati si Ivan, wala.

Umalis na muna ako dun sa beach part. Hindi na ko nagpaalam sakanila. Hinahanap ko lang sila Cathy at Ivan.







At sana pala, hindi ko nalang sila hinanap.

Nakita ko sila dun sa pool area. Hawak ni Ivan ang kamay ni Cathy at mukhang sinuportahan niya lang si Cathy para hindi mahulog. Naging magulo si Ivan kaya yun, pareho silang nahulog. Nakita ko silang nagtawanan at nagbasaan.

Ang saya saya nila.

Halata sa mukha at mata nila.







Buti pa sila.

Kahit hindi nila naaalalang engaged talaga sila, parang ganun rin naman sila umasta.

Tumalikod na ko.

"Tama na Aldrin. Wag mo na saktan sarili mo sa pagtingin sakanila." sermon ko sa sarili ko.

Pagkatapos, naramdaman kong nag init yung mata ko, at yun na nga. Naramdaman ko na ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko.

Naglakad na ko pabalik kila Shanie ng nakayuko. At di ko mapigilan ang mga luha ko. Pagkarating ko sakanila, pinunasan ko muna ang luha ko bago magpaalam sakanila.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon