SCA 18: Man inside the Library

8 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/09/16

--------------------

SCA 18: Man inside the Library

---Shanie's POV---

"San may bangin?" tanong ni Aldrin.

"Ha? Bakit ka naghahanap ng bangin?" takang tanong ni Rachel.

"Base dito sa nakasulat sa papel na to, sa bangin nila dadalin si Cathy." sagot ni Aldrin.

"Sigurado ka ba? Hindi ba baka logic yan? Yung ganun." sabi ko.

"Oo nga Ald. Yun bang kailangan mo talagang i-analyze muna para makuha mo yung ibig talaga nila sabihin." sabi ni Jonie.

"Yun nga yun mismo. Gusto nila mag isip pa tayo at mag analyze talaga pero yung gusto lang naman nilang sabihin is the literal meaning." Aldrin.

"So...that means..." sabi ni Ivan at tinuro ang papel na hawak ni Aldrin.

"So this means, the literal meaning. Ang isang kotseng masyadong mabilis tumakbo ay siguradong mahuhulog sa bangin. Na i-imagine niyo na ba yung ibig niyang sabihin?" tanong ni Aldrin.

"The literal meaning. Gets ko na. Pero, kung ganun, san naman natin siya hahanapin? Wala akong alam na lugar na may bangin dito eh." sabi ko.

"Eh kayo?" tanong niya sa mga kasama namin.

Umiling lang sila. Napahinga ng malalim at napayuko si Aldrin.

Haay. Kaya hindi kami agad maka alis alis eh. Wala kaming idea kung san pupunta.

Nabigla nalang kaming lahat sa pagtunog ng phone ko. Tinignan ko kung sinong tumatawag at laking gulat ko sa nakita kong pangalan sa screen ng phone ko.

Cathy calling...

Sinagot ko agad yung tawag.

"Cathy! Nasan ka? Ha?! Nasan ka?"

Nagpapanic ang boses ko.

[ "Shan..." ]

Narinig kong umiiyak siya. Hala! Nabigla ko ba siya? Pasensya naman.

"Cathy. Sshh. Tahan na. Tell me, asan ka ba?"

[ "H-hindi ko alam. B-basta may mga talahib. Atsaka...bangin." ] sabi niya.

Napatigil ako saglit. Bangin?

"Osige. Hahanapin ka namin nila Aldrin, okay? I-on mo lang ang GPS ng phone mo."

[ "Sige." ]

Binaba na namin ang tawag. Napatingin ako kay Aldrin.

"Tama ka nga Aldrin. Nasa isang lugar na may bangin siya."

Napatayo si Aldrin.

"Saan daw banda? Alam ba niya?"

Para siyang nagmamadali.

"Hindi eh. Pero ang sabi ko sakanya, i-on niya ang GPS niya."

"Tara na. Rachel, maiwan ka muna dito. Para may kasama si Ivan. Kung may kahina hinala ulit na papasok sa inyo dito, ipaalam mo agad sa mga nurse or mas maganda security. Okay?" sabi ni Aldrin.

Tumango nalang si Rachel at umalis na kami.

Nang makarating na kami sa parking, agad agad kaming sumakay sa kotse ni Aldrin at pinaharurot niya na ang sasakyan. Tinitignan namin sa GPS tracker ng phone ko kung nasan si Cathy.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon