Chapter Updated: 08/29/16
--------------------
SCA 26: Confession
Aldrin's POV
"Aldrin, bakit ganun? Bakit walang ala ala na bumabalik sakin na kasama ka?" tanong ni Cathy.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa.
Gusto ko sana sabihin na 'Kahit naman nung wala kang amnesia, wala kang maalala sakin kundi ako ang childhood bestfriend mo.'
Pero hindi ko sinabi yun. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya. Pero nararamdaman kong nakatingin parin siya sakin at naghihintay ng sagot.
"Hindi ko rin alam Cathy. Hindi ko rin alam." sabi ko habang umiiling iling.
Napansin kong umiwas na siya ng tingin sakin at mukhang nalulungkot. Kaya ngumiti nalang ako at niyaya na siyang bumalik.
"Tara na Cathy. Baka magtaka na yung mga yun." sabi ko.
Tumayo na ko tapos nilahad ko yung kamay ko sakanya. Tinignan niya muna ako, tapos yung kamay ko. Kinuha naman niya yun at tumayo. Pagkatayo niya, nakita kong namumula na yung mata niya at nagtutubig.
Nakatingin lang ako sa mata niya na parang nagtatanong kung napano siya? Nung kumunot na ang noo niya at parang di na mapigilan ang iyak niya, bumitaw siya sa hawak ko at,
...niyakap ako.
At narinig ko na ang paghagulgol niya habang nakayakap ng mahigpit saakin.
Dahil sa nagulat ako dun, nakatayo lang ako dun at walang ginagawa. Nang ma process na sa utak ko yung nangyayari, na umiiyak si Cathy. Ginantihan ko na ang yakap niya at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sakin at mas lalong lumakas ang iyak niya.
"I'm sorry Aldrin. I'm sorry kung wala akong maalalang kahit ano tungkol sa'yo. At kahit hindi mo sabihin, nakikita ko sa mga mata mo, na nasasaktan ka. Kaya...I'm sorry." sabi niya.
Hinawakan ko narin siya sa buhok niya at hinagod ang likod niya para patahanin siya.
"Sshh. Tama na Cathy. Okay lang yun sakin. Makakaalala ka pa naman. Diba? Maaalala mo pa ako diba?" sabi ko at tumulo na ang luha ko.
Naramdaman niya atang umiyak ako kaya naramdaman kong bibitaw sana siya sa yakap pero hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.
"Wag. Ayokong makita mo kong umiiyak. Please." sabi ko nalang habang umiiyak.
Hindi ko mapigilan eh. Ang sakit kasi na di ka maalala ng kaibigan mo na simula pagkabata kasama mo na.
"Aldrin." sabi niya.
"Please." sabi ko nalang.
Di na siya nagsalita at niyakap nalang rin ako.
----------
Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa rooms namin. Pag nagkakatinginan kami, tatawa nalang kami.
Napatigil kami sa paglalakad nang may makasalubong kami sa hallway. At mababasa sa mukha niya ang pagtataka.
"Ivan." tawag ni Cathy sa taong nasa harap namin ngayon.
"Kanina pa ba kayo magkasama?" tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Cathy.
Pagkatapos, tumingin ako kay Ivan at ako na ang sumagot sa tanong niya.
"Nagkita lang kami sa lobby. Yun, sabay na kami bumalik dito." sabi ko.
Napatango tango nalang siya at umiwas ng tingin samin. Halata siya ah.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters