Chapter Updated: 05/31/16
--------------------
SCA 13: Arman
---Shanie's POV---
"Anong nasan si Aldrin?"
Kumunot ang noo ko.
"Ano? Hindi mo alam?"
Kumunot narin ang noo niya.
"Ano bang sinasabi mo? Pano ko naman malalaman kung nasan si Aldrin?"
Takang taka na ko sa mga nangyayari.
"Ikaw ang nagsabi sakin na kasama mo si Aldrin!"
Napasigaw na ko sa inis dahil feeling ko pinaglalaruan niya lang ako.
"Ako? Kailan ba kita kinausap?" takang tanong niya.
Napapanganga ako sa hindi pagkapaniwala sa mga nangyayari.
"Ako ba eh pinagloloko mo?! HA?!"
Mas tumaas ang boses ko at napatayo pa ko.
Pero still, nakatingin lang siya sakin ng nagtataka.
"Shanie. Wala akong alam sa mga sinasabi mo." tumingin siya sa paligid niya. "Umupo ka nga."
Dun ko lang napansin na pinagtitinginan na pala kami. Or ako lang?
Kaya no choice ako. Umupo nalang ako at tumingin ng masama sakanya.
Super weird! Wala akong ni katiting na takot na nararamdaman kahit kaharap ko lang tong si Arman.
"Shanie. Seryoso ako. Ito palang ang pangalawa nating pag uusap pagkatapos nung dun sa Battle Area."
"Kung ganun, eh sino yung kausap ko?"
Gulong gulo na ko. Ibig bang sabihin nito, may isa pang banta samin?
"Teka. Bakit ba ako ang iniisip mong kausap mo? Wala nga akong dalang phone dito oh. Nasa kotse yung phone ko."
Dun ko lang napansin na walang nakatapat na phone sa tenga niya kanina nung nakita ko siya.
"N-natakot kasi ako. Kaya akala ko, ikaw yung kausap ko. Si Aldrin! Tama. Sabi niya na sakanya si Aldrin."
Bigla akong nag panic. Si Aldrin nga pala. Hindi rin pala alam ni Jonie niyan kung nasan ako. Pano to?
"Pano mo naman nasigurong na sakanya nga si Aldrin?"
Napatingin ako sakanya at medyo nag-aalangan.
"Sa totoo lang, hindi ako sigurado. Number ni Aldrin ang pinangtawag niya kaya nag conclude agad ako na totoo yun."
Napansin kong natahimik siya. Tumingin ako sakanya at nakita ko ang gulat at...
Pag aalala sa mata niya.
Bigla naman akong nag alala sakanya.
"Arman? Ok ka lang ba?"
"Anong sabi nung kausap mo?"
"Basta ang gusto niya hanapin ko daw siya."
Nakita kong napa kuyom ang kamao ni Arman.
Bakit? Anong meron?
"Tapos?" madiin niyang tanong.
"Ayun hinanap ko siya. Nung nasa 2nd floor ako, ang sabi niya malapit na daw. Kaya nung nakita kita, akala ko talaga ikaw yun."
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters