Chapter Updated: 06/02/16
--------------------
SCA 14: Good or Bad?
---Aldrin's POV---
Pagkatapos nung sinabi ko sakanila na marami silang hindi maalala, umalis muna ako sa kwarto na yun.
Pinagamot ko muna yung sugat ko bago tuluyang umalis ng ospital.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Until I decided na umuwi muna.
I spent the whole night sa bahay. Bukas nalang ako magpapakita sakanila. Since they'll spend the night with Cathy and Ivan.
Nakahiga na ko sa kama ko at matutulog na sana nang...
*CRASH* (sound of a broken glass ganun)
Napabalikwas ako ng bangon. Ano yun? Bakit parang may nabasag?
Bigla akong kinabahan. Hindi kaya...
Hindi kaya may ibang tao dito?
Imposibleng sila Jonie yun. Hindi sila umuuwi ng bahay ng ganitong oras ng gabi.
Inalis ko na yung pagkakatakip ng kumot sa katawan ko at tumayo sa kama.
Dahan dahan akong naglalakad papunta sa pinto.
Lalaki ako pero kinakabahan din naman ako. Kasi kung may pumasok dito, sa tindi ng locks ng bahay, ibig sabihin makapangyarihan at maparaan yung pumasok. Nasa pinto na ko at hawak ang door knob nang may narinig akong nabasag ulit.
*CRASH*
*CRASH*
Dalawa? Magkasunod? Ibig sabihin...
Napabitaw ako sandali sa door knob at tumakbo papunta sa side table ko kung nasan ang phone ko.
Dinial ko ang number ni Jonie.
Calling Jonie...
Shit! Bakit di niya sinasagot?
Tinry ko naring tawagan yung iba. Pero same walang sumasagot.
Nung i da dial ko na ulit number ni Jonie biglang namatay phone ko.
"SHIT!"
Napasigaw ako sa sobrang inis at binato ang phone ko.
Hindi ganito ang asta ko dahil sa natatakot ako para sa buhay ko.
Natatakot ako para kila Jonie sa ospital.
Natatakot akong baka dahil wala ako dun, isa sa mga tauhan nila ang puntahan sila dun at walang kaalam alam sila Jonie na kalaban na yun.
Kung bakit ba naman kasi lahat sila nakalimot?!
Since hindi ko sila ma contact, nag decide nalang akong lumabas ng kwarto ko.
Nilakasan ko ang loob ko at mabilis na pumunta sa pinto at pinihit ang door knob at tuluyan nang lumabas.
*Play the music above*
Madilim. Madilim ang buong bahay. Yung liwanag lang ng buwan sa labas ang liwanag sa loob.
Tumingin muna ako sa baba.
Nakita kong may picture frames na basag ang salamin. Yun pala ang narinig ko kanina.
Hindi ako naniniwala sa sabi sabing kung sino ang nasa picture sa picture frame na nabasag, mapapahamak.
Bumaba ako at pumunta dun sa picture frames na basag.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters