Chapter Updated: 06/15/16
--------------------
SCA 21: Masquerade Dance Time
---Cathy's POV---
Pagkatapos ng nangyari kila Jonie, umalis na kami sa park. Baka kasi may natira pa pala at pare pareho na kaming hindi makaligtas.
Nagdesisyon kaming umuwi nun kahit na nagdadalawang isip kami. Pano ba naman, eh diba nga may nakita si Rachel na lalaki sa library. Kaya nga kami nagdesisyon na umalis ng bahay eh. Pero wala rin pala, parang lagi lang nakasunod samin yung kapahamakan.
Wala talaga kaming takas.
Pagkauwi namin, nagulat kami sa dinatnan namin.
Sobrang gulo ng bahay. Hindi. OA naman yung sobra. Pero, magulo. Ang daming nakakalat. Yung mga vase, basag. Yung mga magazine at dyaryo, nakakalat. Yung cabinet kung saan nakapatong ang picture frames, nakabukas halos lahat nung mga drawer. Actually, may isa nalang na hindi binuksan. Halatang kinalkal yun dahil nakakalat rin yung ibang mga papel. Buti nalang nga ang important papers namin, nasamin.
Nilapitan ni Aldrin yung mga cabinet.
"Bakit yang huli, hindi na ata binuksan?" tanong ni Jonie.
"Ano bang nakalagay diyan at mukhang diyan na nila nahanap yung kailangan nila?" tanong ni Rachel.
"Hindi ko na alam eh." sagot ni Shanie.
"Hindi ko narin maalala kung anong nilagay namin diyan eh." sabi ni Jonie.
"Sa tingin mo Aldrin?" tanong ko.
"Oo nga Ald. Tumira ka rin dito diba? Baka ikaw alam mo." sabi ni Jonie.
"Oo alam ko kung anong nandito. Ako ang naglagay ng laman dito. Diba nagpalagay ako ng important files? At itong huling drawer," binuksan niya yung drawer. "...wala tong laman."
"Ganun? Important? Anong files naman yun?" tanong ni Shanie.
"Yun yung listahan ng ranking ng businesses atsaka childhood pictures natin Jonie." sabi ni Aldrin.
Kumunot ang noo ni Jonie.
"Kung yun ang laman niyan, ano namang gagawin nila dun?" tanong ni Jonie.
"Kung tama ang hinala ko, hindi yun ang pakay nila, pero dinamay na nila. Actually, may kasama pa ang files na yun. Basta, hindi niyo na kailangan pang alalahanin yun. Mabuti pa, tignan na muna natin yung library." sabi ni Aldrin.
Tumayo na si Aldrin at naglakad papunta sa library. Nagtinginan nalang kami at nagkibit balikat. Kung ayaw sabihin ni Aldrin, wala kaming magagawa. Sabi nila Shanie, pag ayaw niya, wag siyang pipilitin. Hindi daw maganda kapag nagalit si Aldrin.
Sinundan nalang namin siya hanggang sa makarating kami sa harap ng library. Dahan dahang binuksan yun ni Aldrin.
Pagkabukas niya, tinanguan niya kami as a sign na pumasok na kami. Nauna siya at sumunod kami. Dahan dahan kaming bumaba hanggang sa makarating na kami sa baba at pumunta sa shelf na may salamin na malapit sa table kung san sabi ni Rachel na napansin niya ang lalaki.
Tumigil kami sa shelf na may salamin.
Wala kaming nakita sa reflection ng salamin sa likod ng upuan. Pero may papel.
Lumingon kami dun sa mismong likod ng upuan at kinuha ni Aldrin yung papel. Binasa niya nang malakas yung nakasulat dun.
"Magpakasaya kayo ngayon. Lubusin niyo na ang oras na hindi namin kayo guguluhin. Dahil pagkatapos ng oras na binigay namin, sigurado na ang pagpapaalam niyo sa mundong ito."
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters