Chapter Updated: 04/09/17
--------------------
SCA 30: Flight | Engage
Cathy's POV
Umuwi na kaming anim ngayon. Pero hindi kami sama sama tulad dati. Dun sa bahay nila Jonie at Shanie, dun silang mag asawa umuwi. At kaming apat, umuwi sa sari-sarili naming bahay. Si Ivan, may condo naman siya. At kami nila Rachel, may mga family kami, kaya dun kami umuwi.
Ngayon, nandito ako sa bahay. Specifically, sa office nila mom and dad. Kakausapin daw kasi ako. Pero si mom lang ang kakausap sakin ngayon. Wala kasi si dad, nasa business trip.
Nacu curious tuloy ako kung anong sasabihin sakin ni mommy.
Naka upo ako sa sofa dito at hinihintay si mom na matapos sa ginagawa niya. Mukhang uutusan na naman niya ako ah. Haay.
Lumapit na siya sakin dala ang isang passbook.
Pagkaupo niya sa sofa, inabot niya sakin yun, kinuha ko naman yun.
"Magpadala ka ng pera sa kapatid mo." sabi ni mommy.
Napatingin ako sakanya. Muntik ko nang makalimutang may kapatid pa pala ako. Well, anak sa labas siya ni Papa pero tanggap naman namin siya. Kaya sinusuportahan namin sila ng mama niya. Pero ngayon, siya nalang, dahil pinagbawalan na kaming tulungan ang mama niya dahil isa na siyang katulong ng pamilyang kinamumuhian ko.
Tinignan ko yung passbook.
₱750,000 ang balance at nung tignan ko ang pangalan ng may ari ng passbook. Sa mama ng kapatid ko.
Binalik ko ang tingin ko kay mommy.
"Magkano naman po dito ang ipapadala ko?" tanong ko.
"Lahat." simpleng sabi ni mommy.
Nanlaki ang mata ko. Lahat to? Eh ₱750,000 to ah. Masyadong malaki para sa gagamitin niyang pambayad sa school lang niya.
"Pero mommy, ₱750,000 to. Bakit ibibigay lahat to sakanya?" tanong ko.
"Yun ang sabi ng mama niya. Ikakasal na daw kasi siya kaya, ipapadala na lahat yan." sabi ni mommy.
Tinignan ko ulit ang passbook. Hindi ako komportable na ipadala nalang to sakanya. Ewan.
"Ako na ang magdadala nito sakanya." sabi ko kay mommy.
"Oo nga. Ikaw na ang magpadala."
"No mommy. Personal ko tong dadalin sakanya. Isa pa, gusto ko siyang makita ulit. Matagal nang di nagpaparamdam sakin yun eh. Gusto kong makita yung lagay niya dun."
Mukhang kokontra pa sakin si mommy kaya inunahan ko na siya.
"Wag mo na ko subukang kontrahin mommy. Hindi mo naman ako mapipigilan eh." sabi ko at nginitian si mommy.
I heard her sighed in defeat.
"Okay. Okay. Basta maibigay mo sakanya yan." pagsuko ni mommy.
Nginitian nalang rin niya ko at nginitian ko rin siya. Tapos binalik ko ang tingin ko sa passbook.
Magkikita narin tayo ulit, Auriette.
-----
Nagpa book na ako ng flight para sa pagpunta ko ng California bukas. Oo, nandun si Auriette. Hindi naman sa tinapon siya dun, pero medyo ganun ang dating. Pero totoo namang tanggap namin siya at ang mama niya. Ganito nalang, parang...
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters