SCA 12: Following Shanie

3 1 0
                                    

Chapter Updated: 05/31/16

--------------------

SCA 12: Following Shanie

---Shanie's POV---

Pagkatapos nang sinabi ni Aldrin, lumabas na siya nang room nila Cathy.

Hindi namin siya maintindihan.

Lahat kami? Merong hindi naaalala? Anong ala-ala ang sinasabi ni Aldrin?

Given naman siguro na wala talaga akong maalala nung mga---Teka!

Hindi ata normal na wala akong maalala nung 10 years old ako.

10 years and below, bakit wala akong maalala? Hindi ba at that age, hindi normal na walang maalala?

"Shanie." tawag sakin ni Jonie.

Nakatingin silang lahat sakin.

"A-Ah! B-bakit?"

Baka kanina pa pala nila ako kinakausap, natulala ako dito.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Cathy.

"Ahh oo." sabi ko nalang.

Biglang nagtanong si Cathy.

"Ahh...Shanie? Jonie? Kilala niyo ba yung Arman?"

Nanlaki ang mata ko. Bakit naman kaya nya samin tinatanong yun?

"Bakit tinatanong mo samin yan Cathy?" tanong ni Jonie.

"Kasi napansin namin kanina na parang nagulat kayo nung binanggit namin yung Arman." sabi ni Cathy.

Nagtinginan kami ni Jonie. Tinanguan niya lang ako which means sabihin ko na.

I sighed.

"Siya yung nakalaban nung minsan ni Jonie. Sa isang exclusive place ng mga Castro at Naluz. Dun ko nakilala yung Arman."

Hindi ko na sinabi na may banta siya sakin. Baka mag alala pa sila. Okay na na kami nalang nila Aldrin ang may alam.

"Yun ba yung dahilan kung bakit ganun ang reaksyon ni Aldrin? Para kasing may mas malalim siyang dahilan." sabi ni Cathy.

"Sa totoo lang Cath, hindi rin namin siya maintindihan." sabi ko.

"Yung galit niya kanina, halatang malalim ang dahilan nun. At parang matagal na siyang may galit sa Arman na yun. At ano yung sinasabi niya kanina na, pati kayo merong di naaalala?" sabi ni Ivan.

"Hindi rin namin alam. Pati kami walang idea sa sinasabi niya. Baka talagang, meron rin kaming hindi naaalala. Lahat tayo." sabi ko.

"Pero ano naman yun? Ibig bang sabihin nun, matagal na tayong magkakakilala?" tanong naman ni Rachel.

"May tanong ako, anong naaalala niyo nung 10 years old kayo?" tanong ko.

Tumingin sila sa iba't-ibang direksyon at halatang nag iisip.

"Given na siguro na wala kaming maalala." sabi ni Ivan.

"Oo. E kayo Jonie? Rachel?"

Tumingin ako sakanila. Tumingin rin sila sakin na nag aalala. Tulad nang naging reaksyon ko.

"W-wala akong maalala nung 10 years old ako." sabi ni Rachel.

"Pati ako eh." sabi naman ni Jonie.

"Pare-pareho tayo. Ibig bang sabihin nito, yung ala-ala natin nung mga 10 years old tayo, hindi kaya yun yung sinasabi ni Aldrin na ala-alang nakalimutan natin?" sabi ko.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon