SCA 3: Accident

19 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/08/16

--------------------

(Cathy and Ivan above)

----------

SCA 3: Accident

---Cathy's POV---

Habang nakasakay ako sa taxi para puntahan si Ivan, dinial ko ang number niya at tinawagan. Ilang rings lang at sinagot na niya.

[ "Cathy?" ] sobrang saya ang naramdaman ko nang sagutin nito ang tawag ko.

"Ivan..." ang tanging nasabi ko.

[ "Cathy, mag usap tayo. Please. I Love You. Please. Wag mo ko iwan." ] Nagmamakaawa ang tono nito.

"Ivan, I'm sorry. Di kita hinayaan mag explain. Kailangan nga natin mag usap. Magkita nalang tayo sa--"

[ "Nasan ka? Pupuntahan nalang kita. Nakalabas na ko ng building." ]

Mukhang nasa daan na nga siya dahil naririnig ko ang ingay ng mga sasakyan.

[ "Cathy..nasan ka??" ]

Bakit parang medyo humihingal na ang boses niya? Tumatakbo ba siya? E malapit na ko sa building ng condo ko ea. Ano ba naman--

BEEEEEEEEEEEEEEEPPPPP!

Napatingin ako sa harap. May isang lalaking biglang tumawid at iniwasan nung driver. And I don't know if it's just a coincidence pero pagkarinig ko ng businang yun dito, narinig ko rin yun sa phone, kung nasaan si Ivan. Nakita ko nalang na babangga kami sa poste, at nakita ko nalang rin ang pagkabundol sa lalaking tumawid kanina.

BOOOOGSSSHHH!

Then everything went black.

---Shanie's POV---

Dumiretso ako sa ospital na sinabi ng mama ni Cathy kanina. Naaksidente daw kasi si Cathy. And to our surprise pati si Ivan. Kung bakit ba naman kasi lumabas pa kanina ea. Naaksidente pa tuloy. Pero nakapagtataka, same time and same place, ang muntik nang makabangga kay Ivan ay ang taxi na sinasakyan ni Cathy na iniwasan si Ivan kaya bumangga sila sa puno at si Ivan naman nabundol ng advertising truck. Nang makita ko na sila tita, lumapit agad ako, and to my surprise, Jonie is also there.

"Tita!" Tawag ko sa mama ni Cathy.

"Shanie." niyakap agad ako ni tita pagkakita sakin at umiyak nalang bigla.

"Tita kumusta po si Cathy?"

Dahil iyak ng iyak si tita, di niya magawang sumagot, kaya si tito nalang ang sumagot.

"Nasa loob sila ni Ivan. Palagay ko parehong critical ang magiging lagay nila dahil sa aksidente." Sabi ng papa ni Cathy.

"PO?!" gulat na tanong ko.

Inaasahan ko naman na magiging critical ang kondisyon nila dahil sa nangyari, pero hindi ko parin maiwasang magulat, dahil kahit papano hinihiling ko na sana maging maayos ang lagay nila at malayo sa panganib sa kabila ng kinasangkutan nilang aksidente.

"Ibig po bang sabihin, pwede silang ma-coma?" Tanong ni Jonie.

Nagkatinginan kami. Hindi nga malayo yun lalo na't critical ang kondisyon nilang dalawa. Bigla kong iniwas ang tingin ko sakanya. Bigla akong nailang. Hindi nga pala kami okay ngayon. Pero kailangan ko munang balewalain yun ngayon, dahil kailangan kami ng mga kaibigan namin.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon