SCA 29: Protector

3 0 0
                                    

Chapter Updated: 04/04/17

--------------------

SCA 29: Protector

Aldrin's POV

Nandito ako sa beach part ng resort. Nagpapalamig ng ulo. Hindi ko pa kayang makasama muna sa kwarto yung Ivan na yun. Pero ang pinagtataka ko...







Anong nangyari sakanya?

Parang kaninang umaga lang na magkakasama kami, masaya kami. Nagtatawanan at nagbibiruan. Nag uusap muna kasi kami bago lumabas ng kwarto namin dahil maaga naman kaming nagigising tatlo.

Kaya sobra akong nagtataka sa inasta niya kanina.

Anong nangyari sa'yo Ivan?

Hindi ko iniisip na lasing siya kaya niya nagawa yun at nasabi ang mga yun. Amoy sa hininga niyang uminom siya, pero kilala naman namin si Ivan, pag tinablan na yun ng alcohol, tumba na at hindi nananakit. Kaya alam kong nasa katinuan pa siya kanina. Kaya talagang sinadya niya ang pananampal kay Cathy kanina at ang pagsasabi ng kung ano-ano.

Nagbago na siya. Sa isang iglap, nawala yung kaibigan namin na si Ivan.

Binato ko ng malakas yung hawak kong bato at naramdaman kong tumulo ang luha ko.

Ano ba kasing nangyayari?

Parang kailan lang, masaya kami ah. Ayos na diba? Ano pa bang pagdadaanan namin? Wala na nga yung mga hayop na gustong pumatay samin, pero kung nandito naman tong mga problema na to, parang mas gusto ko pang harapin namin yung mga hayop na yun. Kasi nung nandiyan yung mga taong yun, buo kami. Di kami mapaghiwalay at hindi nag aaway at nagsasakitan. Nagkakaisa at nagkakasundo kami.

Pero ngayon, iba na. Parang nararamdaman ko na ang unti unting pagkawala nun.

At nagsimula yun kila Rachel at Ivan.

"Aldrin." napatingin ako sa tumawag sakin.

Speaking of the devil.

Inirapan ko nalang siya at binalik ang tingin sa dagat. Mas gusto ko pang makita ang madilim na kalangitan at payapang dagat kaysa sa pagmumukha niya.

Naramdaman ko nalang na tumabi siya sakin. Hindi ko siya nilingon.

"Bakit di mo ko tignan? Mas maganda ako kaysa sa dagat." sabi niya lang.

Napabuga nalang ako ng hangin. Nagbago na nga rin talaga siya. At sigurado ako, malapit narin makita nila Cathy ang ugali niyang to.

"Okay. Mukhang ayaw mo ko kausapin." pagsuko niya pero naramdaman ko nalang na lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Kaya si Cathy nalang ang guguluhin ko." napansin ko pa ang pag smirk niya.

Lumayo na siya sakin at tumayo. Bago pa siya makapaglakad palayo, hinawakan ko yung wrist niya at hinatak siya paupo. At dahil naka indian sit ako, napaupo siya sakin. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya. Akala niya ata siya lang ang may kayang mang-asar.

Nung naka get over siya sa ginawa ko, sinamaan niya ko ng tingin. Nag smirk lang ako sakanya.

"Tandaan mo to Rachel. Leave me alone and LEAVE Cathy alone." sabi ko.

Ngumisi naman siya sakin at tinrace ang pisngi ko.

"Ganyan ka ba talaga umasta sa FIANCE mo?"

Diniinan niya talaga ang word na fiance.

Oo. Totoo yun. Fiance ko siya. Well, it's an arranged marriage. Hindi ko rin alam bakit na involve pa ko sa ganito.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon