SCA 20: Saved

11 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/15/16

--------------------

SCA 20: Saved

---Aldrin's POV---

Napatigil kami sa paglalakad nila Cathy at Shanie nang makarinig kami ng putok ng baril sa kung saan. Napatingin ako sa mga ulap at may nakita akong isang itim na bagay na nahuhulog.

Malayo man yun pero sigurado akong isa yung...

...itim na uwak.

At hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol dun. Ang itim na uwak, bukod sa malas yun, hindi ba parang simbolo narin yun ng,

...kamatayan?

"Aldrin?" narinig kong tawag sakin ni Cathy.

Napatingin ako sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong tinitignan mo?" tanong naman ni Shanie.

"Ahh..."

Napabalik ang tingin ko sa mga ulap.

"May nakita kasi---"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanila. Baka kasi matakot sila. Pero...haay. Siguro naman hindi na bago sakanila yung mga ganito.

"Anong nakita mo?" tanong ni Cathy.

"Uwak." sagot ko sabay tingin sakanila.

"Uwak?" tanong ni Shanie.

"Oo. Yun ata ang binaril." sabi ko.

"Teka! Diba...hindi maganda ang simbolo ng uwak?" tanong ni Cathy.

"Ang simbolo nun diba ay..."

Tumingin sakin sila Cathy at Shanie na halata ang takot sa mga mata nila.

"Kamatayan." pagtuloy ko sa sinasabi ni Shanie.

And right after I said that, bigla akong may na realize at napatingin ulit sa taas, sa parte kung san ko nakita yung uwak na nahuhulog.

Hindi ba,

...hindi ba dun namin iniwan sila Jonie?

Unti unti na kong naglalakad papunta sa direksyon kung san bumagsak yung uwak.

"Teka!" naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nakita kong si Cathy yun. "San ka pupunta?"

Tinitigan ko siya sa mata tapos si Shanie rin na mukhang nagtataka rin kung san ako pupunta.

"Yung...Yung uwak..." hindi ko alam kung bakit ako nauutal.

Tinatablan na naman ako ng takot. Hangga't hindi ko nakikita na maayos ang lagay nila Jonie, hindi mawawala tong takot ko eh.

"Anong meron dun sa uwak?" tanong ni Shanie.

"Parang...nahulog yun...kung san natin iniwan sila Jonie. Baka---" pinutol ni Cathy ang sinasabi ko.

"Baka...para sakanila yung simbolo ng uwak? Ganun ba?" Cathy.

Tumango lang ako. Napansin kong natahimik silang dalawa. At bigla nalang umiyak. Napalingon ako saglit sa isang side at tsaka niyakap si Cathy tapos hinila ko siya habang yakap ko siya papunta kay Shanie at niyakap ko rin siya.

Haay. Kahit rin naman ako, natatakot. Pero kung pati ako, ipapakita kong nanghihina ako, kanino nalang sila kukuha ng lakas? Diba?

Kumalas na ako sa yakap at tinignan silang dalawa. Hinawakan ko rin sila sa balikat nila.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon