Chapter Updated: 05/06/16
--------------------
SCA 8: Ivan Woke Up
---Aldrin's POV---
"Ang sabi ng doctor, temporary amnesia daw. May chance na makaalala pa siya. Pero hindi natin alam kung gano katagal pa bago mangyari yun." paliwanag ni Tito Chard samin.
Nandito kami sa mga upuan sa hallway malapit sa hospital room ni Cathy.
Temporary Amnesia? Kahit temporary lang, di parin ibig sabihin pwede na niyang maalala agad lahat-lahat diba?
"Okay lang po yan tito,tita. Mas okay na po yun kaysa mas malala pa ang inabot niya diba? Kaya magpasalamat nalang po tayo at nasatin parin si Cathy." sabi ni Shanie.
"Yun na nga lang rin ang iniisip ko para maging madali sakin na tanggapin ang nangyari." sabi naman ni Tita Cass.
"Si Ivan nalang ang problema. Bakit siya hindi parin gumigising?" tanong naman ni Jonie.
"Mas malakas ang impact na nangyari kay Ivan kaya critical talaga ang lagay niya. Sa totoo lang, sinabi na samin ng doctor na, isang milagro nalang na mabuhay pa si Ivan." sabi ni Tito Chard.
Nagulat kaming lahat sa sinabi niya at si Shanie napatayo.
"ANO?! Tito hindi pwede yun! Hindi pwedeng mawala si Ivan!" napasigaw na si Shanie.
Napayuko lang si Tito Chard at hindi na napigilan ni Shanie ang umiyak. Nilapitan siya ni Jonie at niyakap. Maging ako nalulungkot dahil sa katotohanang yun.
Pero, walang imposible, diba? Yun ang pinaniniwalaan ko. Si Jonie nga, namatay na pero nagkaron ng milagro at nabuhay siya. Posible ring mangyari kay Ivan yun.
"Guys, Shanie wag ka na umiyak. Diba nothing's impossible? Yun ang paniniwalaan natin diba? Isipin niyo nalang yung nangyari dito kay Jonie. Hindi ba mas imposible ang milagro noon kay Jonie? Pero tignan niyo, malakas siya at buhay na buhay. Kaya wag tayong mawawalan ng pag-asa. Mabubuhay si Ivan. Hindi siya mawawala satin. At alam kong, hinding hindi niya iiwan si Cathy." humina ang boses ko sa huling sinabi ko.
"Tama." narinig kong sabi ni Shanie. "Walang imposible. Magdasal lang tayo, sandali nalang, babalik na satin si Ivan."
Napangiti nalang kami nila Jonie at tita ng ngumiti narin si Shanie. Mas mabuti ang ganyan, naniniwalang may pag-asa pa kaysa sa umiyak at sumuko na.
"Siya nga pala, one of these days dadating ang isa sa mga kababata ni Ivan dito. Kaya kung may bumisita sakanyang babae, wag na kayo magugulat at kung okay lang, isama niyo narin siya sa inyo." sabi ni Tita Cass.
"Sige po tita. Wala pong problema." sabi naman ni Shanie at tumango lang kami ni Jonie kay tita ng tumingin siya samin.
"Osge maiwan muna namin kayo ha. May aasikasuhin muna kami." paalam nila tita.
"Sige po. Bye tita,tito. Ingat po kayo." halos sabay sabay naming sabing tatlo.
Nung nakaalis na sila...
"Aldrin..." napatingin ako kay Shanie nung tinawag niya ko. "Sa tingin mo, bakit tinanong sayo ni Cathy yun?" sabi niya.
Na gets ko naman agad. Nung tinanong niya na bakit parang mas may kailangan siyang maalala sakin? Di ko narin siya nasagot sa tanong niyang yun nun, kasi biglang dumating sila tita.
Pero, maganda narin yun, kasi hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko eh.
"Huy! Aldrin!" tawag ni Shanie sakin at pumitik pitik pa sa harap ko.
"Ha? Ahh...di ko rin alam eh. Yun yung pakiramdam niya eh. Malay ko ba sa mga nararamdaman niya." sagot ko nalang.
"Tsk. Ang weird talaga ni Cathy. Pero anyway, sino kaya ang kababata ni Ivan na dadalaw sakanya?" pag cha change topic ni Shanie.
"Ewan rin eh. Tignan nalang natin pag dumating." sagot naman ni Jonie.
"Tignan? Baka malusaw sa tingin mo ah. Pwede namang kilalanin nalang diba?" asar na sabi ni Shanie.
Haha natawa naman daw ako sa sinabi niyang yun.
"Selos ka naman?" pang aasar pa ni Jonie.
"Ako? Magseselos? Maghihiwalay na nga tayo so bakit ako magseselos?" sagot ni Shanie.
Nung na realize niya yung sinabi niya napakagat siya sa lower lip niya.
Below the belt nga naman. Natahimik nalang si Jonie.
Magsasalita sana ulit si Shanie nang unahan siya ni Jonie.
"Tara balik na tayo sa room ni Cathy. Baka umalis na naman yun eh." sabi niya.
Nauna na samin si Jonie maglakad. Halata namang na guilty si Shanie. Sumunod nalang kami sakanya at pumunta sa room ni Cathy.
---After 2 months---
---Ivan's POV---
*Play the music above*
Nandito ako sa isang mukhang abandonadong lugar. Mukha talaga siyang hindi na ginagamit dahil sa mga nagkalat kalat na mga gamit, kahoy at kung ano ano pa.
Pero ang pinaka nakapagtataka ay...
Bakit ako nandito?
at...
Sino ako?
Bakit ganun? Bakit wala akong maalala na kahit ano? Ni pangalan ko, hindi ko maalala?
Naglakad lakad nalang ako dito sa abandonadong lugar na to. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may makita akong isang pinto. Ewan ko pero parang may tumutulak sakin para pumasok sa pintong yun. Kaya tinuloy ko na ang paglalakad papalapit sa pinto at hinawakan na ang door knob. Pinihit ko ito at tuluyan nang binuksan ang pinto.
Unti unti akong pumasok at nagulat ako sa nakita ko. May anim...? Anim na batang nakatali ang mga kamay sa likod at nakatakip ang mga mata. Teka...bakit nandito ang mga batang yan? Bakit...bakit ganyan ang itsura nila? At bakit parang...pinahirapan sila?
Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong natakot. Na para bang...nararamdaman-- o mas tamang sabihin kong naramdaman ko na ang takot na nararamdaman ng mga batang to.
"Tulungan niyo kami!"
Nagulat ako sa pagsigaw na yun ng isang batang babae. At hindi ko rin alam pero...parang pamilyar siya sakin. Hindi. Hindi lang pala siya, kundi silang lahat. Pamilyar.
"Ano ba yan! Tumahimik kang bata ka kung ayaw mong mamatay ng maaga maliwanag?!" pasigaw na sabi ng isang lalaki habang hawak na nang madiin ang mukha ng batang babae.
Yung lalaking yun, yung sumigaw sa batang babae, pakiramdam ko, nakita ko na siya dati eh.
Biglang sumagot ang batang babae.
"Edi patayin mo na ko. Mas mabuti pa yun kaysa---"
"Cathy!" pamumutol ng isang batang lalaki sa batang babae.
Teka! Anong sabi niya? Cathy? Bakit...bakit parang pamilyar? Bakit parang...napakapamilyar?
"Cathy?" nasabi ko bigla.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng bigla silang lumingon lahat sakin.
Yung lalaki, at yung anim na bata, kahit nakatakip ang mga mata nila nakaharap sila sa direksyon ko mismo. At mas nangilabot ako ng binitawan na nang lalaki ang batang babae at unti unting nagbabago ang anyo ng mga bata.
Tumanda ang itsura ng mga bata. Yung parang ka edad lang namin. At yung lalaki, ngumisi lang sakin. Pero nang mapatingin ako sa isa sa mga bata kanina, mas lalo akong nangilabot. Dahil nakita ko,
...ang sarili ko.
At napamulat ako ng mata.
|friendshipfighters💞|
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Подростковая литератураShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters