Chapter Updated: 05/24/16
--------------------
SCA 11: Lost Memory of All
---Cathy's POV---
Napamulat ako ng mata.
Napansin kong nakapwesto kami ni Ivan na parang nakayakap siya sakin at nakahiga kami dito malapit sa,
...hagdan.
Nagising narin si Ivan at nakita namin sila Shanie na alalang alala ang itsura.
"Cathy! Ivan! Ano bang nangyari sainyo? Tinakot niyo ko ah!" sabi ni Shanie.
Nagkatinginan kami ni Ivan. At ngayon lang namin napansin,
...nasa bandang hagdan parin kami.
Ibig sabihin, panaginip? Panaginip lang yung kanina? Pero bakit pakiramdam ko totoo? Parang mas mukha siyang babala?
Sabay kaming tumingin ni Ivan sa floor number sa tapat ng hagdan.
F3.
Tama ang floor number. Kung ganun, ano ang ibig sabihin ng nangyari kanina? Bakit...bakit ganun? Pakiramdam ko talaga, babala niya samin yun.
Tama! Yung mga pangalan sa pinto kanina,
"Hindi niyo siya matatakasan. Kayong anim. Kahit kailan."
Kayong anim? Ibig sabihin, tama ang hinala ko. Hindi kaya, nanganganib na ang buhay namin?
"Ay wow! Wala ata akong kausap dito? Ako na nga tong nag aalala oh." napatingin naman ako kay Shanie nun.
Oo nga pala. Dahil sa kakaisip ko ng bagay bagay, nakalimutan kong may kasama pala ako.
"Oks lang kami Shanie. Medyo masakit lang katawan, siyempre, ikaw ba naman mahulog sa hagdan? Diba?" sagot ko nalang sakanya ng nakangiti.
"Osya bumalik na kayo sa mga room niyo. Baka makita pa kayo nila tita." sabi ni Shanie.
Bumalik na kami sa room namin. Kasama ko ngayon si Shanie at kasama ng boys si Ivan.
"Cath. Yung totoo, anong nangyari?" seryosong tanong ni Shanie.
Ano? Ibig sabihin, hindi pa siya kumagat kanina sa trip ko? Ano ba yan! Madali ba akong basahin o dahil sa kaibigan ko siya kaya alam na niya kung nagsisinungaling ako o hinde.
Wala narin namang mangyayari kung itatago ko diba?
"Hindi ko rin maintindihan Shan. Basta ang alam ko, natatakot ako." sabi ko.
"Bakit ka naman natatakot?" tanong ni Shan.
"Tsaka ko nalang kwe kwento. Siguro mas maganda kung kumpleto tayong anim. Para mas maging maayos at malinaw ang usapan." sabi ko.
"Osge kung yan ang gusto mo." sabi nalang ni Shan. "Teka, sino pala yung anim?" tanong niya.
"Ikaw, si Jonie, Ivan, Ako, Aldrin at Rachel." sabi ko.
"Rachel? Sino yun?" tanong ni Shan.
"Hindi ko rin alam eh. Basta ang nasabi lang ni Ivan, kababata daw nya yun." sabi ko.
Napatango tango nalang si Shan.
"Rachel pala ang pangalan nun." sabi niya bigla.
"Kilala mo siya Shanie?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Teen FictionShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters