Chapter Updated: 03/14/17
--------------------
SCA 28: Changed
Cathy's POV
3 days ago.
3 days ago, naging kami na ni Ivan.
3 days ago until yesterday, ang saya saya namin.
Official na kami.
Tapos may naalala pa kami. Salamat sa mga kaibigan namin.
--Flashback--
Nandito kami ngayon sa garden part ng resort.
Kagabi, official na kami ni Ivan.
At ngayon, sasabihin na namin sa mga kaibigan namin. Bakit naman kami maglilihim sakanila diba?
"Cathy,Ivan. Ano bang sasabihin niyo?" tanong ni Shanie.
Si Shanie at Jonie nga pala, kung nagtatanong kayo ano nang nangyari sakanila, okay na sila. Matagal na, simula nung pinuntahan daw nila ni Aldrin si Jonie sa di ko alam kung saan. Haha. At mukhang wala narin namang issue sakanila. Sana nga magtuloy tuloy na. Pati samin.
Nagtinginan kami ni Ivan at ngumiti at humarap sakanila.
Hinawakan ni Ivan ang kamay ko at inenterwined yun. Nginitian ko lang siya.
Tinaas niya yung kamay naming naka intertwined at nagsalita.
"Kami na."
Pero nagtaka kami sa mga mukha nila. Yung kay Aldrin, ewan pero, parang malungkot siya. Si Rachel naman, cold lang ang tingin sa mga kamay namin. At si Jonie at Shanie, wala, parang...alam niyo yun, parang nagsabi kami ng something na actually matagal na yun. Yung ganun. Bored look kumbaga.
"Seriously? Ang tagal na kaya. Diba nga---" pinutol ni Aldrin yung sinasabi ni Shanie.
"Shan. Wala silang maalala okay? At wala akong sinabi about sa status nila." sabi ni Aldrin.
Parang natauhan si Shanie at dun lang naalala na may amnesia nga pala kami ni Ivan.
"Ahh. Sorna." sabi niya.
"Bakit? Anong status ba ang sinasabi niyo Aldrin?" tanong ko.
Tumayo si Aldrin sa kinauupuan niya at lumapit kay Shanie at nilahad ang kamay. Parang may hinihingi siya. Tapos may kinuha si Shanie mula sa bulsa niya. Tapos lumapit na samin si Aldrin.
"Okay. Cathy and Ivan, tutal naman, mukhang nakaalala naman ang mga puso niyo, tutulungan ko kayo, sana makatulong nga, na makaalala kayo sa status niyo talaga." sabi ni Aldrin.
Nagtinginan kami ni Ivan at parehong naka kunot ang noo namin at tinignan ulit namin si Aldrin.
Nilagay ni Aldrin ang kamay niya sa harap namin, pero nakakuyom yun. Tinignan lang namin yun.
Unti unti niyang binuksan ang nakakuyom niyang kamay at nakita namin sa palad niya ang dalawang singsing.
"Kunin niyo." utos niya.
Kinuha namin yung mga singsing.
Nakita kong may naka engrave sa inner part ng singsing.C&I Forever
3rd Person's POV
Pagkakita nila sa mga singsing at sa naka engrave doon, may mga ala alang bumalik sakanila.
BINABASA MO ANG
Second Chance Again (EDASC Book 2)
Ficção AdolescenteShanie, Jonie, Cathy and Ivan. Will they be able to cope with the challenges that will come to them after they parted ways? Second Chance Again All Rights Reserved ©2014. by: friendshipfighters