SCA 5: Answer To His Riddle

14 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/08/16

--------------------

(Shanie and Aldrin above)

----------

SCA 5: Answer To His Riddle

---Shanie's POV---

Hanggang ngayon ay di parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Jonie kanina. Nandito ako ngayon sa isa sa mga upuan sa hallway. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jonie. Hindi ko rin maiwasang kabahan.

"Hindi. Shanie! Walang masamang mangyayari kay Jonie. Wala."

Yan ang tinatatak ko sa isip ko para kahit konti ay makalma ako. Pero wala pa rin. Kahit anong pasok ko nun sa utak ko, hindi mawala wala ang kaba ko. Siguradong isa na namang riddle yun na kailangan kong sagutin. Ginagawa rin sakin dati ni Jonie yun. Bibigyan niya ko ng mga ganung salita at riddle ang tawag ko dun, dahil kailangan kong malaman ang sagot sa riddle na yun para mahulaan ang balak niya. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba sa pagbibigay niya ng riddle. Dati, na e excite lang ako pero ngayon, halos mamatay na ko sa sobrang kaba, at ang malala pa, hindi ko alam kung bakit.

"Shanie." Napatingin ako sa tumawag sakin.

Si Tita Cass pala. Ang mama ni Cathy.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako sakanya.

"Okay lang po ako." Sagot ko.

"Hindi naman masamang magsabi ng totoo minsan." Napatingin ako sa isa pang nagsalita.

"Tito Chard..."

"May problema kayo ni Jonie hindi ba?" Tanong ni Tito Chard.

Napayuko nalang ako at dahan-dahang tumango.

"Pero wag po kayo mag-alala, hangga't hindi pa po ayos sila Cathy, isasantabi muna po namin ang problema namin." sagot ko.

"Kung ganon, ayaw mo siyang mamatay?" Napatingin ako kay Tito Chard.

Puno ng pagtataka ang mukha ko. Bakit naman niya nabanggit ang pagpapakamatay?

"Bakit ganyan ang itsura mo Shanie? Wag mong sabihing hindi mo alam?" Nagtatakang tanong ni Tito Chard.

"Hindi po alam ang ano?" Takang taka parin ako sa mga sinasabi niya.

"Hindi ba, yun ang sinabi niya sayo? Nagtanong siya ng tatlong tanong, puro hindi ang nakuha niyang sagot, hindi ba siya magpapakamatay nun?" Napataas ang dalawa kong kilay at di makapaniwalang nakatingin kay Tito Chard.

Hinampas tuloy siya ni Tita Cass.

"Ano ka ba naman Chard! Tinatakot mo si Shan e. Bakit naman patay agad?" Sermon ni Tita Cass kay Tito Chard.

"Wala lang, alam mo naman kapag nasaktan, nauuwi sa suicide." sabi ni Tito Chard.

"CHARD!" sigaw ni Tita Cass.

"Naku Tita Cass. Ayos lang po yun. Wag na kayong magalit kay Tito Chard." sabi ko nalang.

Nginitian nalang ako ni Tita Cass. Bigla kong naalala yung sinabi ni Jonie sakin. Baka maintindihan nila tita. Pero, baka magtaka lang sila, at baka mag alala rin sila kung negative nga ang meaning nun. Mabuti pang wag nalang.

"O sige Shanie. Pupuntahan muna namin si Cathy at Ivan ah. Pwede ka na ring umuwi. Kami nang bahala dito. Bumalik ka nalang. Hmm?" Sabi ni Tita Cass.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon