SCA 10: Warning

13 1 0
                                    

Chapter Updated: 05/17/16

--------------------

SCA 10: Warning

---Ivan's POV---

"Dreamcatcher?"

Nagkatinginan ulit kami nung babae nung sabay naming sinabi yun. Pagkatapos ay nakaramdam kami ng malamig na hangin ulit. Nung lumingon kami sa bintana, nakasara na yun at...

...wala na yung dreamcatcher.

Nangilabot naman daw ako dun. Pero, kanina ko pa nakikita ang dreamcatcher na yun ah.

"Ahh...Ivan?" napalingon ako sa babae.

"Teka...akala ko, hindi mo ko kilala?" takang tanong ko.

E diba sabay kaming nagtanong ng "Sino ka?"? E bakit alam niya ngayon ang pangalan ko?

"Ahh...nandun yung pangalan mo sa baba ng room number mo eh." sabi niya.

Ahh...akala ko naman, kilala niya talaga ako.

"Ahh...ikaw, sino ka?" tanong ko.

"Ah. Ako nga pala si Cathy. Cathy Arca."

In-extend niya ang kamay niya for a handshake.

Napatigil ako. Cathy? Familiar yung pangalan na yun ah. San ko nga ba---

Biglang sumagot ang batang babae.

"Edi patayin mo na ko. Mas mabuti pa yun kaysa---"

"Cathy!" pamumutol ng isang batang lalaki sa batang babae.

Tama! Yung pangalan ng isang batang babae, Cathy yun. At...

Tumingin ako sakanya.

Ang itsura nang Cathy na to, sigurado akong, ito rin ang itsura nung batang babae nung tumanda na sa panaginip ko.

"Ahh...Ivan?"

Natigil naman daw ako sa pag iisip ng kung ano ano nang tawagin ako ni Cathy. Dun ko napansin na naka extend parin pala ang kamay niya. Kaya kinuha ko yun at nagsalita.

"Ahh...Ivan. Nice meeting you Cathy." then bumitaw na kami sa handshake.

"You know, you really look familiar." nasabi ko.

"Sa totoo lang, ikaw din eh." sabi niya.

Pagkatapos nun, nagtawanan nalang kami.

Ayun, nagkwentuhan lang ng mga naaalala namin dahil pareho pala kaming nag su suffer ng amnesia. At pareho rin pala ang circle of friends namin.

After hours, wala parin aling mga kasama namin kaya nagdecide kaming lumabas.

Nilibot namin yung floor kung nasaan yung room namin. Pababa na sana kami nang hagdan nang may mapansin na naman kaming dreamcatcher.

But this time, yung design sa malaking bintana pag pababa ka in every floor, dreamcatcher.

Nakakapagtaka na talaga.

---Cathy's POV---

Napatigil kami dito sa hagdan nang makita namin ang design sa bintana.

Dreamcatcher?

Teka...ano bang meron sa dreamcatcher? Bakit kanina pa nagpapakita samin yun.

Bigla ko nalang naramdaman na sumasakit ang ulo ko. Pasakit ng pasakit. Napansin ko rin si Ivan na halatang sumakit rin ang ulo.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon