SCA 19: Arrows

9 1 0
                                    

Chapter Updated: 06/15/16

--------------------

SCA 19: Arrows

---Ivan's POV---

"May lalaking nakapasok sa bahay. May baril siya. At nasa loob siya ng library ngayon."

Halata ang takot sa mukha at boses ni Rachel nang sabihin niya yun.

Pagkarinig naman namin dun, alam kong pare pareho lang kami ng reaction. Nanlalaki ang mga mata at binaha ng kaba ang dibdib.

"May nakapasok na dito?" tanong ni Aldrin.

Napatingin siya sa pinto papunta sa library.

"P-pano nakapasok yun?" halata narin ang takot kay Shanie nang itanong niya yun.

"Makapangyarihan sila. Kaya lahat ng ilegal na bagay, madali lang para sakanila. Ang mabuti pa, umalis na muna tayo dito. Baka kung ano pang gawin niyan satin." mahina na sabi ni Aldrin.

Masyadong tahimik ang bahay kaya baka marinig niya kami.

Sinunod nalang namin ang sabi ni Aldrin. Nagsipunta na kami sa mga kwarto namin. Laking gulat ko nalang ng may makita akong papel sa ibabaw ng kama ko.

Napatingin ako sa bintana at binaha ng takot ang dibdib ko nang makitang bukas iyon.

Bumalik ang tingin ko sa papel na nasa ibabaw ng kama ko. Dahan-dahan akong lumapit doon. Pagkalapit ko sa kama ko, kinuha ko ang papel. Nakita kong may nakasulat dun, kaya binasa ko.

'Just follow the arrow or your friends will die.'

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Follow the arrow?

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng kwarto ko. Wala namang arrow eh. Sumilip ako sa bintana kong bukas at tumingin sa baba. Wala ring kahit anong arrow. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ang sabi ni Aldrin, literal meaning eh. Haay. Itatapon ko na sana ang papel kaya tinupi ko na into half. Pero nung itupi ko, nakita kong may nakasulat pa pala sa likod. Kaya inalis ko sa pagkakatuklip yung papel at binasa ang nasa likod.

'If someone comes with you, don't stop them. Don't even tell the others about this. Also, bring this paper with you. Or else...'

Nanlambot ako. Literal. Kaya napaupo ako sa kama ko. No choice. Talaga bang di na kami makakatakas sa kung sino mang hayop na to?

Iniisa isa kami diba? Swerte lang at nakaligtas sila Shanie,Aldrin at Cathy sa nangyari sakanila. Ano ba talagang balak nila? Bakit ba nila kami ginaganito?

Inayos ko muna ang paghinga ko at pati na ang utak ko atsaka na ko tumayo at nagbihis. Pagkatapos, bumaba narin ako agad at sumakay na kami sa van namin.

Napagdesisyunan naming magpunta nalang sa park. Humiwalay muna yung tatlo samin. Si Shanie,Cathy at Aldrin. May gagawin daw muna sila. Pinabayaan nalang namin.

"Haay."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Jonie.

"O Jo. Bakit di ka sumama sakanila? Andun si Shanie ah." sabi ko.

Nakapagtataka lang kasi itong si Jonie, gustong gusto niyang kasama si Shanie. Kaya nagulat ako na hindi siya sumama sakanila.

"Wow! Kanina mo pa ko kasama ngayon ka lang nagtanong? Ang galing!" sarcastic niyang pagkakasabi.

Pumalakpak pa siya. Sorna. Ngayon ko lang napansin eh.

"Seryoso Jo? Wag mo ko ginaganyan ah." sabi ko.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon