SCA 25: Bonding

6 1 0
                                    

Chapter Updated: 08/28/16

--------------------

SCA 25: Bonding

Cathy's POV

Pagkatapos namin halos lunurin ang isa't-isa ni Ivan...de biro lang. Pagkatapos namin maglaro sa pool, umalis na kami dun at nagpunta kila Shanie sa beach part.

Pagdating namin dun, ayun, nagsasaya sila. Haha. Nakita naman namin si Jonie na nakaupo sa malaking bato dun at nakamasid lang kila Shanie. Ngumingiti naman siya pag tinitignan siya nila Shanie, pero pag hinde, parang may iniisip siya.

Pumunta na si Ivan dun kila Shanie, at ako naman lumapit kay Jonie. Umupo ako sa tabi niya. Nagulat pa siya sa biglang pagtabi ko sakanya kaya napalingon siya sakin. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Halatang malalim ang iniisip kaya nung nagulat, akala mo multo ang tumabi sakanya.

"O! Cathy. Ikaw lang pala yan."

Mukhang napanatag yung loob niya nung nakita niyang ako yung umupo sa tabi niya.

"Grabe ah! Akala mo naman multo ako para ganyan ang itsura mo." sabi ko.

"Sorna. Nagulat ako sa'yo eh." sabi niya.

"Eh ano ba kasi iniisip mo diyan at mukhang malalim yan?"

"Si Aldrin eh."

Yung itsura niya, parang alalang alala. Maloko nga to.

"Ano? Si Aldrin iniisip mo? Ba! Jo, may balak ka na bang umamin kay Shanie sa totoo mong kasarian at nararamdaman?"

Napatingin siya sakin sandali tapos binalik niya sa harap pero mabilis rin niyang binalik yung tingin sakin tapos nag make face sakin at ako naman, tinawanan lang siya.

"Sira!"

"Eh bakit ba kasi? Anong meron kay Aldrin?" tanong ko.

Napatingin siya sa harap at seryoso ang mukha.

"Pakiramdam ko kasi, may nangyari eh. Nung nagpaalam kasi siya samin kanina, namumula yung mata niya." sabi niya.

Nagtaka naman ako kung anong problema dun.

"Oh! Anong problema dun? Baka naman binubuksan niya lang yung mata niya kapag lumulubog siya kaya ganun."

"Cathy, nasa dagat kami. Walang chlorine to. Kaya that's not possible. Tsaka, kilala ko ang pinsan ko, sa itsura niya kanina at boses, alam kong umiyak siya. At di basta basta kapag umiyak yun. Kaya ibig sabihin, talagang nasaktan siya pag umiyak siya. Kaya di ko maiwasang mag alala sakanya."

Pagkasabi niya sakin nun, di ko alam kung bakit pero naalala ko yung lalaking nakita kong naglalakad palayo sa pool area kanina nang nakayuko. At di ko rin alam kung bakit, isipin ko lang na umiiyak si Aldrin, bumibigat na yung pakiramdam ko.

Kaya nagdecide nalang akong puntahan siya.

"Ahh sige Jonie. Babalik lang muna ako sandali sa room namin. Pasabi nalang sakanila." paalam ko.

"Sige. Ahh...paki check narin si Aldrin sa kwarto namin noh?"

Tumango ako.

"Sige."

Pumunta na ako sa room namin. Pero pagkarating ko dun, lumingon ako sa room ng boys namin. May card rin ako sa room nila kaya pwede ako makapasok. Pero nag decide akong kumatok nalang.

*Tok.Tok.Tok.*

Walang sumasagot sa loob. Hindi kaya natutulog si Aldrin? Mas mabuti nang tignan ko kaysa magtanong ako sa sarili ko.

Second Chance Again (EDASC Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon